^

PSN Opinyon

Leni Robredo, mauukit sa kasaysayan ng Pinas

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ang Presidential elections sa Mayo 9 ay isang mahalagang kabanata sa kasaysayan. Kaugnay nito, si VP Leni Robredo ay isang personalidad na mauukit sa kasaysayan. Lumolobo ang bilang ng mga supporters ni Leni na nakikita sa kanyang mga campaign sorties. Mga supporters na kusang loob ding tumutulong upang maipanalo siya bilang presidente.

Walang masyadong perang ginagastos si Leni. Ngunit ang mga taumbayan mismo ang bumibili ng campaign materials at sila na rin ang nagba-bahay bahay para maitulak ang mensahe ng mabuting pamamahala ng tambalang Leni at Kiko. People’s movement na ito!

Napagkaisa ni Leni ang iba’t ibang sector ng lipunan. Ma­yaman o urban poor, bata o matanda, mga aktibista, mga woke millennials, LGBTQ+, Kristiyano, Muslim, at iba pa. Pati ang mga artista mula sa lahat ng antas ay nagkaisa: Mula sa A-List endorsers, hanggang sa teatro, local and international Fili­pino performers, pati na rin sa mga lokal na talento na nagpapa­kitang gilas sa bawat grand rally sa napakaraming pook sa bansa.

Umaabot sa 50,000 to 200,000 ang dumadalo sa mga rally ni Leni. Naroroon sila hindi lang para suportahan ang ating VP, kundi upang mapanood ang magagandang programa dahil lalo pa itong nagbibigay ng sense of pride sa mga Pilipino.

Mukhang si Leni pa nga ang siyang magdudulot ng totoong unity sa Pilipinas. Dahil sa ipinaglalaban niya, nabuhay muli ang pagmamahal ng mga Pilipino sa bansa. Nanumbalik ang giting sa pakikipaglaban para sa kinabukasan ng ating bansa.

Dalawang araw na lang at halalan na. Dala-dala ng People’s Movement na ito ang tinatawag na momentum para kay Leni Robredo. Malalaman natin kung sa mga susunod na araw ay talagang magkukulay rosas ang bukas para sa mga Pilipino ngayon at sa mga susunod na henerasyon.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with