^

PSN Opinyon

TUPAD, ginagamit sa pamumulitika?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Ang programang Tulong Pangkabuhayan sa Ating Displaced Workers (TUPAD) ay ginagamit sa pamumulitika sa Quezon province. Ayon sa report na aking natanggap, ang pamilya ni Governor Danilo Suarez, ay inaakusahan ng pagsasamantala sa programa ng Department of Labor and Employment (DOLE). Totoo kaya ito?

Ang kanyang maybahay na si Quezon 3rd District­ Rep. Aleta Suarez, anak na si Quezon 2nd District Rep. David “Jayjay” Suarez, manugang na si Alona party-list Rep. Ana Marie Villaraza-Suarez at anak na si Provincial Board Member Donaldo Suarez ay pawang tumatakbo para sa kanilang re-election samantalang ang isa pang anak na si Danilo Suarez Jr. ay kumakandidatong mayor sa Unisan, Quezon na kanilang home town.

Ayon sa mga pumupuna, hindi nakikita sa Quezon ang tunay na esensiya ng programa dahil napakaraming tao na napapabilang dito ang hindi kabilang sa sinasabing displaced workers dahil sa pandemic. Karamihan umano sa mga ito ay ka­anak at kaibigan ng coordinators at barangay captains ng pamilya Suarez. At sa halip na isagawa­ sa mga bayan-bayan ang payout sa TUPAD workers, ang mga ito anila ay tinitipon sa Quezon Conven­tion Center sa Lucena City at iba pa nilang convention centers at sports complex, at ginagastusan ng pamahalaang panlalawigan, umpisa sa libreng pagkain sa kanila, pagpapakain mula umaga hang­gang hapon at paghahatid pabalik.

Sa loob ng venue, ang libu-libong TUPAD workers­ ay obligadong makikinig sa mga pagsa­salita at pagtatalumpati ng lahat na mga kandidato ng Suarez dynasty bago isagawa ang actual na pay-out. At sa pinakahuling pay-out na isinagawa ng mga Suarez noong Miyerkules Santo na dinaluhan ng mahigit 4,000 TUPAD workers, tahasan umanong namulitika ang governor. Makikita sa isang video footage na sa pamamagitan ng isang higanteng screen ay ipinakita ng governor ang mga detalye upang duminahin ang mga kumakalaban. Ano ba yan?

Ayon sa mga nakasaksi, malinaw anilang gina­gamit ng pamilya Suarez sa pamumulitika ang TUPAD gayundin ang iba pang mga programa ng pamahalaang nasyunal tulad ng Assistance to Indi­viduals In Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Bakit naman kailangan muna kaming makinig sa mga talumpati at pangangampanya ng mga kandidato bago maibigay sa amin ang aming mga sahod na amin namang pinagtrabahuhan. At bakit kailangan pang siraan muna sa aming harapan ang mga kalaban nilang kandidato”, hinaing ng isang TUPAD worker. Ganito rin umano ang ginagawa ng mga Suarez sa kanilang mga ginawang pagpapatawag sa libu-libong public school teachers na kanilang binigyan ng cash insentive. Ganoon din ang libong kasapi ng iba’t ibang sektor tulad ng barangay health workers na ang pondong ipinamimigay ay galing sa kaban ng lalawigan.

Kamakailan, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello na kanyang pinaiimbestigahan ang umano’y paggamit ng ilang puliko sa TUPAD program sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang kolum na ito ay bukas sa paglilinaw sa nasabing isyu.

vuukle comment

DOLE

TUPAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with