^

PSN Opinyon

The ‘Crying Machos’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGKAROON nang maraming sapantaha, haka-haka o kuru-kuro bago pa man maganap ang press conference nina Sen. Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno at dating Defense Secretary Norberto Gonzales.

May nagsabing magsasanib-puwersa na ang mga ito kasama si Sen. Manny Pacquiao na hindi nakarating kahapon, upang suportahan ang  isa na lamang kandidato.

Ang presscon na naganap noong Linggo ay resulta na lamang ng problema. Marami ang hindi tumingin o pumansin sa “dahilan” kung bakit nagkaroon ng nasabing presscon.

Kaya ganoon na lamang ang gulat, pagkabigla ng kara­mihan nang magsama-sama ang mga nabanggit na pre­sidential candidates kasama ang kanilang mga kandidato sa pagka-bise-presidente.

Iisa ang kanilang isinisigaw at iisa ang kanilang naranasan. Gusto nilang ipaalam sa publiko na “hindi sila aatras.”

Pare-pareho silang inalok daw ng kampo ni Vice Pre­sident Leni Robredo na umatras sa kandidatura bilang presidente ng Pilipinas. Babayaran na lamang daw sila o bibigyan ng “budget.”

Ikinabuwisit ito nina Lacson, Moreno, Pacquiao at Gonzales na maaaring nainsulto ang kanilang prinsipyo’t paninindigan.

Nagsalita sila para labanan ang anumang tangkang baluktutin ang totoong pagpapasya ng taumbayan at upang ipahayag na hindi sila magbibitiw.

Tama nga naman, may obligasyon sila sa kanilang mga tagasuporta na naniniwala sa prinsipyo ng kanilang partido. Ito ang pangunahing layunin ng presscon, para ipaalam sa taumbayan ang mga kaganapan at pani­nin­digan.

Ang problema, iba na ang anggulong lumalabas nga­yon sa balita, iba ang pinalalabas na dahilan ng pag­sa­sanib-puwersa ng apat na kandidato. Nalihis na ang isyu na dahilan ng problema.

Tinawag na “crying machos” ang apat. Nagsama-sama para pagtulungan, kawawain at magkaisang paatrasin si VP Leni.

Ang hindi nila nakita, kung gaano kalaki ang balls ng mga ‘to! May bayag silang ipahayag, ibunyag, ipaalam ang tangkang pagbaluktot sa malayang pagpili ng  publiko.

May nagmamanipula, pinipilit sirain at gibain ang kagustuhan ng mga tao na ihalal ang kanilang mga kandidato. Kesehodang nangunguna ‘yan sa survey, pumapangalawa o nangungulelat, ‘wag n’yong pigilan!

Itinanggi na ng kampo ni VP Leni ang panunuhol daw sa mga kandidato. Ibig bang sabihin, may ahas at hudas na pinipendeho ang kanilang sariling kandidato?!

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with