^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dengue naman ang umaatake

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dengue naman ang umaatake

Bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Kung magpapatuloy pa ang pagbaba, posibleng maging endemic na lamang ang COVID at mapapa­natag na ang loob ng mamamayan na mahigit dala­wang taon din na nabagabag. Makakabangon na rin mula sa pagkakalugmok ang ekonomiya at magkakaroon na ng hanapbuhay ang mga tao.

Subalit sa unti-unting pagbaba ng kaso ng COVID, dumarami naman ang nagkakasakit ng dengue na isa ring nakamamatay na sakit kapag hindi naagapan. Nag­babanta ang dengue sa kasalukuyan na kung hindi paghahandaan ay magdudulot ng panibago na namang problema sa mamamayan. Ang dengue ay nanggagaling sa lamok na Aedes Aegypti. Mabilis dumami ang lamok na ito. Mabilis makilala ang Aedes Aegypti dahil sa batik-batik na puti sa katawan.

Ayon sa Department of Health (DOH), idineklara na ang dengue outbreak sa Zamboanga City kung saan may naitala ng 900 kaso mula Enero 1 hanggang Abril 1, 2022. Sa bilang na ito, 11 na umano ang namamatay at karamihan ay mga bata. Bukod sa Zamboanga, may mga kaso rin ng dengue sa Davao Region, Western Visayas­ at Cagayan Valley.

Noong 2019, nagkaroon ng dengue epidemic sa bansa kung saan 430, 282 ang tinamaan ng sakit at 1,612 ang namatay. Karamihan sa mga biktima ay mga bata. Noong April 2016, nagkaroon ng unang vaccination laban sa dengue sa bansa. Ginamit ang Dengvaxia ng Sanofi Pasteur sa mga batang edad 6 subalit nagkaroon ng kontrobersiya. Hindi sinabi ng manufacturer na ang Dengvaxia ay hindi dapat iturok sa mga batang hindi pa nagkaka-dengue. Itinigil ang Dengvaxia sapag­kat maraming magulang ang nag­reklamo. Marami rin ang natakot sa bakuna. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang proteksiyon ang mamamayan laban sa dengue.

Kung matindi ang COVID, matindi rin ang dengue. Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, kulay kapeng ihi, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat at pananakit ng katawan.

Pinakamabisang panlaban sa dengue ay ang pag­linis ng kapaligiran. Itapon ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman at iba pang breeding ground. Linisin ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok.

Ngayong may outbreak na ng dengue sa ilang lugar, sikapin ng DOH na makapagbigay ng babala at payo sa taumbayan na mag-ingat sa nakamamatay na dengue­. Hindi lamang COVID ang dapat pagtuunan kundi pati ang dengue.

vuukle comment

COVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with