^

PSN Opinyon

Magtiwala sa Comelec

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DAPAT buo ang tiwala natin sa Commission on Elections­ (Comelec). Kung hindi, lahat ng administrasyong luluklok­ ay pagdududahan. Kung pinagdududahan ang bawat pre­si­­denteng­ mahahalal, gugulo ang takbo ng pama­halaan. Wala nang katahimikan sa pulitika. Bihasa na ang Comelec­ sa automated elections mula pa noong 2010 nang unang ipatupad ito.   

Pero sa kabila niyan, siguradong mayroong magpoprotesta na nadaya sila na mukhang imposibleng mang­yari sa ilalim ng automated elections. Ipaliliwanag ko kung bakit nasabi ko iyan. Talagang sa Pilipinas lang walang talunan sa eleksiyon kundi nadadaya lang. Grabe! 

Ang source code at software na gamit kada eleksyon, bukod sa certified ng international na kompanya ay binubusising maigi ng mga eksperto at maging ng political parties na kasali sa halalan. Ang mga ito ay iniingatan ng Central Bank at kukunin lang ng Comelec kapag gaga­mitin na.

Simula nang unang ipatupad ang computerized polls nung 2010, nabawasan ang mga protesta kumpara sa manual elections noong araw. Noong 2010, 49 ang nag­hain ng protesta, 37 noong 2013, 28 noong 2016, at 20 na lamang noong 2019. May random audit din ang Philip­pine Statistics Authority sa mga resulta at hindi buma­baba ng 99 porsiyento ang pagkakatugma ng manual counting­ sa automated election results.

Sa  2019 survey ng Pulse Asia, 84 percent ng taumbayan ang nagsabing tiwala sila sa resulta ng eleksiyon at 91 percent ang ibig magpatuloy ang automated elections. Naging mapayapa rin ang mga eleksiyon. Pati mga karahasan sa eleksyon ay nabawasan nang malaki.

Hayaan na lang natin ang mga protesta dahil hindi nawawala iyan. Basta  tahimik, payapa, at katiwa-tiwala ang ating halalan simula noong nagkaroon ng automated elections, Iyan ang mahalaga. Ayos Comelec!

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with