^

PSN Opinyon

Tumatambling sa entablado para maalala ng botante

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Panahon pa nina Julius Caesar at Mark Antony ay matindi­ na ang halalan para sa Senado. Dapat mapera ang kandi­dato para panggastos sa kampanya: suweldo sa mga alipores at pakain (karne at alak) sa mga botante. At dapat mahusay magtalumpati para makaakit at maalala kumpara sa maraming katunggali. Si Cicero ang isa sa matitibay noon.

Sa Pilipinas, 12 senador ang hinahalal tuwing tatlong taon. Pinipili sila mula sa salansan ng 40-60 kandidato. Karamihan sa kanila ay matatas magtalumpati. Para tuma­nim ang pangalan sa isip ng botante, naglalantad sila ng “bomba” — eskandalo ng kalabang partido.

Hindi lahat matapang “magbomba”. Dinaraan na lang nila sa tapang ng apog. Imbis na magsalita at dahil kapos sa oras, kumakanta, tumutugtog ng gitara o sumasayaw na lang sa entablado. May napanood ako nu’ng 1995 na nagma-magic show bilang kampanya. Buti na lang walang kumakain ng apoy o tumutulay sa alambre.

Nalaos na ang entablado para sa kampanya. Sa social media na ang mga gimmick. Dahil pandemya, iwas din sa matataong tagpo. Pagalingan ng campaign jingle at slogan ang mga kandidato. Sa loob ng 15 o 30 segundos naipapaabot na ang mensahe sa Tiktok o YouTube.

Nadedesperado ang mahihinang kandidato. Nangu­ngulelat sa surveys laban sa mga mas sikat at matalino. Gumagawa sila ng ibang pang-agaw ng eksena: krimen. Nagmumura sila sa publiko, nagsasalita ng bastos sa babae, naghahamon ng away. Kapag idinemanda sila o punahin sa media, nagpapasalamat pa sila kasi dagdag ‘yon sa pag-alala ng pangalan nila. Napaka-miserable pero ginagawa pa rin.

Pambobobo sa botante ang gimik. Kung nirerespeto ng kandidato ang madla, iisipin nito ang pinaka-epektibong paglahad ng plataporma. Sa pagpaliwanag ng isyu, iaangat niya ang kaalaman ng tao.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

KANDIDATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with