^

PSN Opinyon

Lacson-Sotto tandem, angat sa mga debate!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

LAMANG na lamang ang tandem nina Independent pre­sidentiable Sen. Ping Lacson at Senate president Tito Sotto sa mga debate kung saan may matawag nating “sense” ang mga sagot nila sa mga tanong na ibinabato sa kanila. Kung sabagay, matagal na sa larangan ng puli­tika itong sina Lacson at Sotto kaya kahit anong hirap ng iba’t ibang tanong ang isalang sa kanila, abaaaa sisiw lang kung sagutin nila. Ni hindi man lang makita ng audience na nag-isip muna sila bago sumagot dahil kabisado na nila ang mga isyu, di ba mga kosa?

Kaya hindi magtataka ang mga kosa ko kung makahatak ng madaming boto itong sina Lacson at Sotto pag­katapos nitong debate noong nakaraang Sabado at Linggo na inorganisa ng Comelec. Mismooooo! Hak hak hak! Ano sa tingin mo my idol kosang Jose Kintanar Sir? Dipu­gaaaaa!

Ayon kay Obed dela Cruz, lead convenor ng Philippine National Conservatives for Progress, pumangibabaw talaga sina Lacson at Sotto dahil “true statesmen” ang dating nila sa debate. Ani dela Cruz, ang puso at expertise sa propesyon ang nagpaangat kina Lacson at Sotto batay sa sagot nila sa mga tanong na ibinabato ng mga host o moderators ng debate ng Comelec. Ang puna ng mga audience, lumabas sa debate ang pagiging truly seasoned public servants ng Lacson-Sotto tandem.

Kung sabagay, malaking bilang ng mga nanood sa presidential at vice presidential debates ay walang ibang masabi kundi purihin ang pagiging alisto nina Lacson at Sotto sa pagsagot ng sari-saring tanong sa kanila, ‘di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa parte ni Lacson, lampaso ang mga katunggali sa pagsagot sa tanong patungkol sa budget ng Pinas. Kabisado ni Lacson ang mga sagot n’ya at kahanga-hanga na may figures pang binibigkas s’ya na wala namang kapwa-presidentiable na nangahas na mag-rebuttal sa kanya. Bilang Senate president naman, kabisado din ni Sotto ang halos lahat ng batas na ipinasa ng Senado para tulungan ang mga Pinoy, lalo na sa panahon ng pandemya.

Kaya straight to the point ang mga sagot ni Sotto, na wala ding kumuwestiyon sa mga tinuran n’ya. Get’s n’yo mga kosa? Sa totoo lang, maganda ang programa o plataporma nitong tandem na Lacson-Sotto at kapag nanalo sila abaaaaa may magandang kahinanatnan itong mahal na bansa nating Pinas, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Hak hak hak! Sama ako sampu kosang Jose Kintanar ha? Abangan!

vuukle comment

DEBATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with