^

PSN Opinyon

Eleazar, tunay na maglilingkod  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

UMARANGKADA na kahapon ang kampanyahan ng local officials. Palapit nang palapit ang May 9 elections -- 45 araw na lamang at hahatulan na ang mga kandidato. Marami na ang hindi maka­tulog habang papalapit ang eleksiyon.

Sa mga kandidato sa pagka-senador itong si dating PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mabango sa masa. Siya ang napupusuan nang marami dahil nasaksihan na ang kasipagan nito noong aktibo pa sa PNP. Noon, walang pina­lampas si Eleazar kahit na matataas man ang ranggo ng mga pulis na nagkakasala at naging pabaya sa kanilang tungkulin.

Tunay na maglingkod sa mga mamamayan si Eleazar. Kapag nailuklok ito sa pagka-senador tiyak na may kakampi na ang sambayanan upang mawalis ang mga “hoodlum in uniform’’ sa PNP.

Nasubaybayan ko ang career ni Eleazar sa PNP. Wala siyang kapaguran sa trabaho. May puso para sa mga mahihirap si Eleazar. Itinataya ang kanyang buhay para magsilbi ng tapat sa mamamayan. Kaya ang boto ninyo ay hindi masasayang kung pipiliin si Eleazar.

Isa sa patunay na may pusong busilak si Eleazar­ sa mga mahihirap ay ang pagsusumamo nito sa pamahalaan at LGUs na dagdagan ang P500 ayuda. Sa post ni Eleazar sa kanyang Facebook nakasaad ang ganito: “Ayudang P500 baka puwedeng dagdagan”.

Aniya, sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, kailangan ngayon ng ating mga kababayan ang tulong ng pamahalaan at local government units. Sinabi pa ni Eleazar, na naunawaan niya na hindi lahat ng LGUs ay may kakayahang gawin ito, pero sa mga LGUs na may extrang pondo, hindi naman kalabisan na mag-share din ng tulong sa ating mga kababa­yan ngayong panahon ng kagipitan.

Kaya huwag kalimutan si Eleazar, No.23 sa balota. Siya ang tinaguriang Sipag at Galing (SIGA) ng Senado.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with