^

PSN Opinyon

Visual narratives with subliminal message

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA palagay ko, may gustong palabasin ang mga political operator, political strategist, political tactician, mga spin doctors na ang turing nila sa publiko ay parang washing machine, tsinutsubibo.

Pansinin n’yo, gamit ang kanilang mga visual narra­tives sa iba’t ibang probinsiya at siyudad sa kanilang mga political sortie, mapapa-wow ka talaga sa balita or should I say, storytelling.

Simple lang, mind conditioning with subliminal message­ gamit ang mga visual narratives o drone shot na nag­pa­pakita ng kapal ng tao na dumalo sa kanilang political sortie­, ang tawag dito. Nakatago ang kanilang mensahe o “subli­­minal message na ang mga “dumog pics” na ito ay mabi­sang pangontra sa survey na milya-milya ang layo. Pa­nabla, para may dahilan silang mag-alburoto kapag sila’y natalo sa eleksiyon. Kung ganoon, puwede nilang ideklara na failure of election.

Tanong ulit, sino naman ang nagpa-fact-check sa mga nakaka-wow o nakakamanghang litrato, drone shots ng libu-libong supporters sa election rally? Sinong maka­ka­pagsabi na ang kanilang kuwento o narratives ay maaring may katotohanan o may kaunting dagdag at may kaunting bawas?

Ang lumalabas kasi, kapag hindi ka nila kahanay, ikaw ang fake news, sila ang puwedeng i-fact-check ka. Isa lang ang puwedeng lumutang, lahat lubog na, lunod pa. Kumbaga, dapat isang kulay lang. Ang lagay eh, dapat there will only be one superstar? Nasaan ang ibang election rally ng mga kandidato?

Wa epek na kasi ang mga soundbytes sa entablado, nananawa na raw ang mga tao sa kanilang mga ipinapa­ngako sa entablado pati na rin ang paninira sa kanilang mga katunggali. Tapos ang resulta, kulelat pa rin. Kaya ang labanan ngayon ay visual narratives, consistent at cons­tant para tuluy-tuloy ang mind conditioning. Malay mo nga naman­, makalamang din.

vuukle comment

POLITICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with