^

PSN Opinyon

Taniman ng palay lumiliit dahil tinatayuan ng bahay  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAY kalalagyan na si Katherine Santos, dating Baywalk Bodies at ang live-in partner niyang si Fidel Samson at isang Victor Advincula matapos silang mahuli sa drug buy-bust-operation sa La Loma, Quezon City. Ayon kay Quezon City Police District director Gen. Remus Medina. Si Santos ay apat na beses nang natitimbog sa pagtutulak ng droga ganundin ang kanyang live-in parner. Sa pagkakataong ito mukhang mahihirapan na si Santos na makalaya dahil patung-patong na ang kanyang kaso sa pagtutulak ng droga. Kung noon ay nalusutan niya ang mga kaso, ngayon sa pamumuno ni General Medina, mabubulok siya sa kulungan. Pursigido si Medina na isulong ang kaso sa korte upang mapanagot si Santos at mga kasama.

* * *

Napapansin ko na lahat ng mga tumatakbong presidente, bise presidente at senador ngayon ay pinanga­ngalandakan na isusulong nila ang pagpapaunlad ng agri­kultura, trabaho, pabahay, kalusugan, edukasyon at hanapbuhay para sa mga Pilipino. Ito kasi ang magic words para makumbinsi ang mga botante na iluklok sila sa puwesto.

Maganda naman ang nais nilang ito. Dapat ay magpokus sa agrikultura dahil kinakapos na tayo sa pagkain. Umaangkat na tayo na kung tutuusin ay hindi naman dapat. Umaangkat tayo ng bigas, asukal, gulay, prutas, isda at iba pa dahil kapos na kapos sa suplay.

Sana ang mga kandidatong mananalo ay dapat pagtuunan ng pansin ang programa para sa pagpaparami ng pagkain. Mayaman tayo sa lupain kaya hindi dapat umangkat. Tayo ay agricultural na bansa. Tutulan din ng mga mananalong kandidato ang conversion ng lupang sakahan para gawing subdibisyon. Lumiliit na ang mga lupaing pinagtatamnan kaya kaunti na ang naaani.

Isang halimbawa ay ang malawak na lupain sa Western­ Visayas na ang mga palayan at tubuhan ay ginagawa ng subdivision. Kung magpapatuloy ito, maraming Pinoy ang magugutom sa hinaharap. Mayroon ngang tirahan pero wala namang makain dahil wala nang pagtamnan ng palay, mais at iba pa.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with