^

PSN Opinyon

Pati outer space tourism pineperwisyo ng basura

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG pirasong basura na singliit ng baseball na humaharurot sa orbital speed ay makakawasak ng satellite na singlaki ng bus. Kaya dapat lang i-monitor ang mga kalat ng tao sa outer space para sa kaligtasan ng spacecraft. Nu’n ngang Abril 23, matutulog na sana ang crew ng SpaceX na patungo sa International Space Station (ISS) nang alarmahin sila mula sa Earth na isagawa ang ilang emergency safety procedures. Buti na lang nahagingan lang sila at ‘di tinamaan ng lumilipad na bakal.

Hindi gan’un kadali, anang The Economist. Sa 34,000 piraso ng basura na malapad kaysa kamay, 29,000 lang ang nata-track ng radar. Mga 900,000 pang pirasong sing­haba ng daliri at 128 milyong mas maliliit ang hindi na nare-radar bagama’t peligrosong umiikot sa Earth.

Darami pa ‘yon. Taun-taon mga isang dosenang mala­laking kalat ang nadudurog sa kolisyon, sabog ng rocket fuel at kolapso ng tangke. ‘Di mabilang ang nasisira kada taon ng init ng araw, o nalalasog na parte, at natatanggal na turnilyo mula sa satellites. Nu’ng Mayo isang ga-pako na kalat ang bumutas nang ga-kuko sa robotic arm ng ISS.

Galing sa satellites karamihan ang basura. Nu’ng 2001, 771 lang ang satellites, ga-truck ang laki. Nu’ng 2011 naging­ 965. Ngayong 2021, 4,500 na sila. At isang dekada pa ay­ hihigit na sa 100,000, karamihan singliit na lang ng kahon ng sapatos, pero mas matutulin at mapanganib.

Panahon na ngayon ng space tourism. Mga sibilyan na ang sumasakay ng spacecraft at umo-orbit. Napeper­wisyo sila ng basura sa outer space. Walang pinagkaiba sa turismo sa lupa. Ang mga magagandang tanawin at dagat ay puro kalat ng filter ng sigarilyo, at plastic bags at bote. Nasasakal ang mga bahura, isda, dolphins at bal­yena. Ang space debris ay parang ang higanteng isla ng kabit-kabit na plastic – singlaki ng dalawang Luzon, sa gitna ng Pacific Ocean.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BASURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with