^

PSN Opinyon

Da King  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG Disyembre ay masayang buwan para sa mga Pilipino dahil panahon ng Kapaskuhan. Kahit salat ang buhay­ ng ilang kababayan, pilit pa ring naghahanda para may pagsaluhan sa espesyal na araw. Kung walang pandemya­, tiyak na kaliwa’t kanan ang Christmas party ng mga empleyado. Tiyak na masaya dahil may mga pa-raffle pa at kung anu-ano pang mga aktibidad para masaya ang pagtitipon.

Ngayon ang ikalawang Pasko na may pandemya na bagama’t nagluwag na ang restrictions, ay naghihigpit pa rin sa pagtitipon para hindi magkaroon ng hawahan. Nagbabanta rin ang bagong COVID variant na Omicron na nakita sa South Africa.

Bagama’t pababa na nang pababa ang mga kaso ng COVID, ipinaalala pa rin ang pagsunod sa health protocols. Laging mag-face mask, i-maintain ang tamang distan­siya at maghugas lagi ng kamay. Hindi dapat magkampante kahit na sinabi ng health experts na natamo na ang herd immunity sa ibang mga lugar bansa.

Laging sumunod sa guidelines ang local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng health protocols upang mapigilan ang pagkahawahan. Dagsaan na rin kasi ang mga tao sa mall at sa Divisoria. Marami ang nagsa-shop­ping at bumibili ng pangregalo. Dahil marami nang tao, nagbubuhul-buhol na ang trapik kahit nagpapatupad ng color coding.

Hindi rin naman malilimutan na tuwing Disyembre ay ginugunita ang pagpanaw ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. o “Da King”. Labimpitong taon na ang nakalilipas mula nang bawian ng buhay si Da King pero hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin ang kanyang alaala. Hindi nalilimutan ang naiambag niya sa indus­triya ng pelikula.

Disyembre 14, 2004 nang pumanaw si Da King sa edad na 65. Sa kanyang burol sa Sto. Domingo Church, milyun-milyong katao ang pumila para masilayan ang kanilang idolo. Sa araw ng kanyang libing, lalong maraming tao ang sumaksi. Napuno ng mga tao ang Manila North Cemetery kung saan siya inihimlay.

Hindi rin naman maiiwasan na alalahanin na ninakaw kay Da King ang pagka-presidente noong 2004.  Marami pa rin ang naniniwala na siya ang nanalo sa presidential elections noong 2004 at hindi si dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo. Katarungan pa rin ang isinisigaw ng mga nagmamahal kay Da King. Hindi pa rin naghihilom ang sugat. Naramdaman pa rin ng mga tagahanga ni Da King ang kirot. Wala ring katotohanan ang sinasabi na nilimot na ng taumbayan si Da King. Hindi ito totoo. Buhay na buhay sa alaala si Da King.

vuukle comment

CHRISTMAS PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with