^

PSN Opinyon

Bugtong-bugtong…

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Bugtong-bugtong na mga presidential aspirant. Sinu-sino ang mga ito:

Unang bugtong: para siyang electric fan sa lakas ng dating pero hinog naman sa pilit. Sino siya?

Ikalawang bugtong: kahit anong pilit, kahit anong gawin, hindi kayang pahinugin. ‘Wag mong tatabihan dahil baka dream land ang iyong kahantungan. Kapag ika’y kaniyang natamaan, siguradong tulog ka sa kang­ku­ngan. Sino siya?

Ikatlong bugtong: Trying hard na tiktoker. Nag-ala Dragon Ball Z pero siya lang ang natutuwa sa kaniyang kakornihan. Ngayon, pinaghahanap daw ang utak ng mga kakornihang ito at gusto nang bigwasan ng karamihan. Sino siya?

Ikaapat na bugtong: Tinaguriang “the most hated” presidential aspirant sa kasaysayan ng Eleksiyon sa Pinas. Sandamakmak ang ikinakaso, sa paratang ay bugbog-sarado. Hindi pumapatol kahit nasasaktan, patuloy ang pananahimik, tuloy pa rin ang laban. Sino siya?

Ikalimang bugtong: Eto ang seryoso. Magaling sumaludo, disiplinado. Siguradong tama ang pagsaludo hindi pekendos ‘pag rumespeto. Inumpisahan niya ang pagpapaliit ng baywang ng mga lespu. Sino siya?

Ang Ikaanim at panghuli: Wait a minute… may pang-anim pa ba? Tuloy ba to? Mukhang ang latest update ay nag-iisip na raw umatras sa pagtakbong pagka-Pangulo.  Sabi nila, cry baby daw siya ng social media. Sino sya?

Katuwaan lamang ang bugtong-bugtong na ito. Batu-bato sa langit, ang tamaan ay ‘wag magagalit!

vuukle comment

ELEKSIYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with