^

PSN Opinyon

Dalawang importanteng trabaho nitong pandemya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

IPINABATID ng pandemya ang mahahalagang propesyon at trabaho. Halimbawa ang nurse at ang delivery service.

Nurse ang taga-COVID-19 swab o antigen test, taga-turok ng bakuna, taga-alaga ng naospital, taga-check ng temperatura at tamang gamot, taga-asisti sa doktor, taga-turo ng safety protocols sa mga komunidad. Sila ang tatlo sa bawat apat na frontline health workers. Kung walang nurse, kolapso na ang healthcare system.

Pero bakit ang baba ng tingin sa kanila? Nang paspasang mag-recruit ng nurses ang Department of Health nu’ng simula ng pandemya, ang liit ng sahod na alok sa kanila. Kung hindi pa binatikos sa media, hindi daragdagan nang konti ang offer. Pero nurse rin ang mga pinagba­walan magtrabaho sa abroad kung saan mahigit triple ang sahod. Tapos ilang buwan pang naantala ang pagbayad sa kanila ng benepisyo kung naimpekta ng COVID-19. At nang manguna sila sa paghingi ng timeout sa frontlines dahil sa pagod at gulo ng pamunuan, minura pa sila ni President Rody Duterte sa maling akala na sila ang kumakanta ng Tinagalog na awiting protesta sa musicale na Les Miserables.

Kaya nasaan ang nurses ngayon? May mga sumapi sa Armed Forces at National Police kung saan commissioned officer agad ang ranggo at sahod nila. O kaya naghihintay sa bahay ng pagkakataon makalipad abroad kung saan mas pinahahalagahan ang kapakanan nila.

Kasing importante ang delivery service. Bring-your-own car o motorccycle sila. May mga musikero at orchestra conductors, hotel chef at construction supervisors na nag-delivery service dahil kailangan sila.

Nakakalungkot na konti lang ang nagti-tip sa kanila. At nang magprotesta sa pang-aabuso ng isang employer, sinuspende sila ng 10 taon. Kung wala sila, mahihirapan tayo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with