^

PSN Opinyon

Dahil desperadong makakuha ng boto...

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA kasalukuyan, may 4.4 million benepisyaryo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa buong bansa. Sila ang tinutulungan ng pamahalaan sa pamamagitan ng ayuda kahit na wala pa ang COVID-19.

Ayon kay Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, marami sa mga benepisyaryo ng 4Ps ay hindi pa bakunado. Karamihan, ayaw raw magpabakuna. Nabanggit kamakailan ni Malaya na posibleng irekomenda ng DILG ang “walang bakuna, walang ayuda.” 

Gusto ko sanang kumpirmahin ang balitang ito para alamin kung talagang maraming ayaw magpabakuna sa hanay ng mga 4Ps beneficiary. Baka naman hindi lang nakaaabot ang bakuna sa lugar ng mga ito. Sinubukan kong tawagan si Malaya kahapon ng umaga subalit hindi ito sumasagot. 

Kung ako ang tatanungin, ang 4Ps o ‘yung mahihirap nating kababayan na hindi kayang suportahan ang sarili at talagang nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno. May mga kondisyong dapat sundin bago makuha ang ayudang ipinagkakaloob ng gobyerno. 

Sabi nga sa salitang Ingles “there is no such thing as something, for nothing. If I give you something, you must also give me something in return. 

Pero ang kondisyong ito, tinawag na “parusa” ng mga pulitiko. Ang dapat daw, magbigay ng insentibo o reward para maengganyong magpabakuna ang mga tao.

Ale’t mga mama, iba ang salitang parusa. Ginagamit ‘yan para sa mga gumawa ng pagkakamali at kasalanan. Ang subsidiya ay isang prebilehiyo, hindi ito karapatan­. Kung ikaw ay pagkalooban ng pribilehiyo, may katumbas itong responsibilidad. Ang mga kondisyong ito ay para sa iyong kalusugan at kapakanan at ng mga taong kasama mo sa lipunan. 
Talaga nga naman o, iba kapag ikaw ay nasa desperadong estado – desperadong pulitiko, desperadong panahon (eleksiyon), desperadong mapansin at makakuha ng boto ng mga mahihirap.
Kaya ang labanan, kung paano ligawan ang mahihirap, kung ano ang masarap sa taynga na tatatak sa isipan ng mga tinatawag na nasa laylayan ng pantalon – pabuya! Tsk tsk tsk!

vuukle comment

4PS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with