^

PSN Opinyon

Maagang pamasko

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Kahapon, sumadsad sa 3,117 ang bilang ng nagpositibo sa COVID na tinesting ng nakaraang weekend. Ito na ang pinakamababang naitalang daily total mula Marso 9. Kasabay ng pagbaba ng bilang, lahat na ng importanteng sukatan ay nakiisa rin: positivity rate, reproduction number, attack rate at iba pa. Ang ibig sabihin, nalampasan na natin ang Delta surge na nagpasabog sa ating mga bilang noong Agosto at Setyembre.

Pagdating naman sa mga nababakunahan, kahapon ay sumampa na sa 27.7 million ang mga Pilipinong nakapagkumpleto ng kanilang kurso. Mahigit 24.9 percent ng populasyon ang protektado.

Kung dati-rati, kakulangan ng bakuna ang idinadahilan ng pamahalaan sa ating pagkalugmok sa pandemya, halos isang buwan na nila ngayon ipinagmamalaki na hindi na problema ang supply. Sa katotohanan, sobra pa nga ang supply natin.

Ang distribusyon na lang ang tututukan. Ang pinakamagandang istatistika ngayon ay sa Metro Manila dahil dito ibinuhos ang kampanya sa pagbakuna at hindi rin ito nailigtas sa lockdown at mandato sa mga negosyo. Dahil na nga sa magandang pagsunod sa mga utos, mas umaaliwalas ang kalusugan dito sa sentro ng ating ekonomiya.

Panahon na upang mabuksan ang pagbakuna sa iba pang mga sektor ng lipunan at lalong palawigin pa ang pagpaabot nito sa mga lalawigan.

Walang mas dapat pasalamatan sa ating gumagandang sitwasyon kaysa sa pagbakuna at ang ating disiplina. Kritikal sa ating pagbangon at pag-ahon ang kalasag ng bakuna, lalo na’t ang ating ekonomiya ay umaasa nang malaki sa mga service sector at sa turismo na nakasalalay sa kumpiyansa ng consumers. Kapwa mabigat sa face-to-face inter-action ang ganitong hanapbuhay.

Ang target ng IATF ay paabutin sa 1.5 million ang nababakunahan kada araw mula sa kasalukuyang average na 514,438. Anumang improvement sa ating average ay malaki ang maidaragdag tungo sa lalo pang pagpagaan sa mabigat nating dalahin. Good luck sa kanila. Nawa’y madagdagan pa itong maagang pamasko.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with