^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Unti-unti nang umaalis ang healthcare workers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Unti-unti nang umaalis ang healthcare workers

Noong nakaraang buwan, 10 volunteer doctors ang nagbitiw sa Philippine General Hospital (PGH). Sa isang ospital sa Batangas, 100 na lang ang nurses na dati ay 400. Nag-aaplay na ang kara­mihan sa abroad at ang iba pa ay nakaalis na.

Hindi lamang nurses at doktor ang umaalis kundi pati na rin medical technologists, nursing aide, x-ray technicians at iba pang healthcare workers. Mas malaking di-hamak ang suweldo sa ibang bansa. Doble o triple pa ang taas ng suweldo.

Kapag nagpatuloy pa ang pagbibitiw ng HCWs, hinuhulaang sa loob ng anim na buwan ay mapaparalisa ang mga ospital sa buong bansa. Bagsak ang healthcare system.

Noong Setyembre pa nagbanta ang HCWs na magsasagawa sila ng mass resignation kapag hindi pa ibinigay ng pamahalaan ang ipinangakong benepisyo na kinabibilangan ng special risk allowance (SRA) ganundin ang kanilang food and transportation allowance. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin umano natatanggap ng HCWs ang kanilang allowances at mga benepisyo.

Sinabi ni Dr. Jose Rene de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) na kung hindi mapipigilan ang pagbibitiw ng HCWs, mapaparalisa ang mga ospital. Nagbitiw umano ang mga HCWs at nag-aplay sa abroad para kumita nang malaki. Ang kawalan umano ng HCWs ang dahilan kaya nahihirapan ang mga ospital na tumugon sa mga pasyente.

Ayon pa sa report, may mga ospital na nagde­deklarang “full capacity” na sila pero ang totoo, meron pa silang paglalagyan ng pasyente kaya lang wala silang mga nurses at iba pang HCWs na titi­ngin sa mga pasyente.

Umaabot sa P11 bilyon ang hindi nababayarang benepisyo at SRA ng HCWs. Sa 1.8 milyong HCWs, maliit na porsiyento pa lamang umano ang nabibig­yan ng benepisyo at allowances. Ito ang dahilan kaya marami ang nagbibitiw at nag-aaplay sa abroad.

Marami sa mga nurses sa pribadong ospital ang ma­liit ang suweldo. Ayon sa report, may mga nurses na sumasahod lamang ng P8,000 at sobra-sobra pa sa oras ang kanilang trabaho.

Mapaparalisa ang mga ospital kung hindi mapipigilan ang pag-alis ng HCWs. Dapat gumawa ng hakbang ang pamahalaan sa problemang ito. Isang paraan ay ang pagkakaloob ng karagdagang suweldo at benepisyo.

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with