^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Paglabas ng mga bata itigil na muna

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Paglabas ng mga bata itigil na muna

KAHAPON, maraming bata ang nagliwaliw sa maraming parke at ibang pasyalan. Tuwang-tuwa ang mga bata na naglaro at naghabulan. Para bang ibon silang nakalaya sa hawla at sabik na sabik na lumipad. Kasama ng mga bata ang kani-kanilang mga magulang sa pamamasyal. Bagama’t pinayagan na ang mga batang edad 5 pataas na mamasyal sa mga parke, hindi pa sila pinapayagang makapasok sa mga mall. Pinahihintulutan lamang ang mga bata sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ). Bukod sa parke maaari nang makapunta ang mga bata na may kasamang matanda sa beach, palaruan, mga lugar na pangturismo at maging sa biking at hiking trails. Puwede na rin sila sa outdoor non-contact sports at kumain sa restaurants na nasa labas ng kainan ang puwesto.

Pero ang pagluluwag para makalabas ang mga bata ay nataon sa pananalasa ng mapanganib na Delta variant. Inamin ng Department of Health noong Biyernes na may 16 na bagong kaso na ng Delta variant sa bansa at dalawa na ang namatay. Ayon sa DOH, 35 kaso na ang naitala sa bansa.

Ang Delta variant ang sinasabing nanalasa sa India noong Mayo at Hunyo at sa kasalukuyan ay nananalasa naman sa Indonesia. Umaapaw ang mga pasyente sa mga ospital at kinukulang ang supply ng oxygen. Sa mga tent na umano sa labas ng ospital nakapuwesto ang mga pasyenteng infected ng Delta variant. Ayon sa report, umaabot sa 50,000 ang mga kaso bawat araw sa Indonesia na mas mataas kumpara sa nangyari sa India.

Sa paglaganap ng Delta variant, sinabi ng DOH na iniisip nila kung babawiin ang naunang kautusan sa paglabas ng mga bata. Pag-aaralan umano nila ito sapagkat delikado ang variant. Magsasagawa umano sila ng monitoring.

Bawiin na muna ang naunang kautusan sa pag­labas ng mga bata. Hindi na dapat patagalin pa ang pagpapasya sapagkat mas mabilis ang paglaganap ng Delta variant. Huwag nang mag-atubili sa pagpapasya. Kailan pa kikilos kapag marami na ang tinamaan ng sakit? Maawa sa mga bata.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with