^

PSN Opinyon

Trahedya sa PAF

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Bumagsak ang C-130H ng Philippine Air Force (PAF) noong Linggo sa Patikul, Sulu. Apatnapu’t pitong sundalo at tatlong sibilyan ang namatay. Nakikiramay ako sa pa­milya ng mga namatay.

Ang eroplano ay katatanggap lamang ng PAF mula sa US noong Pebrero. Isa ito sa dalawang C-130H na binili at inayos nang husto para makapagserbisyo pa ng matagal­. Hindi pa nadedeliver ang isa. Tatlo ang lumilipad na C-130 ng PAF, nabawasan pa ng isa, ang pinakabago pa. Napa­kahalaga pa naman ng C-130 Hercules at napakarami ang nagagawa nito, maging sa labanan o sa panahon ng kalamidad.

Sunud-sunod nga ang inabot na trahedya ng PAF mula noong nakaraang taon. Dalawang linggo na ang nakararaan, isang bagong S-70i Blackhawk ang bumag­sak sa Tarlac kung saan pito ang namatay. Noong naka­raang Abril, isa ang namatay nang bumagsak ang MD520 scout helicopter. Nais imbestigahan ng Senado ang pag­bagsak ng C-130H para malaman ang mga problema at hindi na maulit.

Iginiit ni AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo na nasa maayos na kundisyon ang eroplano at ang mga pilotong nagpalipad ay beterano na sa pagpapalipad ng C-130. Nakuha na nga ang black box ng C-130H kaya makikita kung ano ang mga kilos ng piloto at eroplano bago bumagsak. May resulta na ba ang mga imbestigasyon ng mga nakaraang pagbagsak ng mga eroplano?

Kailangan nang malawak na modernisasyon ang lahat ng sangay ng AFP. Sinimulan nga ito ng nakaraang admi­nistrasyon sa pagbili ng dalawang frigates at 12 FA-50PH na eroplanong pandigma na nakumpleto kailan lang. Marami pa ang kailangan para maitapat ang AFP sa sandatahang lakas ng mga bansa sa Souteast Asia man lang. Hindi naman maaabot ang lakas-militar ng China. Pero natural, malaking pera ang pinag-uusapan. Kung saan kukunin ay malaking tanong.

Nagsalita ang US Air Force tungkol sa Lockheed C-130 Hercules. Ang mga katangian nito ay maaasahan, ligtas, kayang lumipad at lumapag sa mga maikli at hindi makinis na runway. Noong 1956 ito unang ginamit sa serbisyo ng US at hanggang ngayon ay ginagamit ang mga pinakabagong bersiyon nito, partikular ang mga bagong teknolohiya na ikinabit sa eroplano. Gamit din ito sa 60 bansa. Dapat lang na imbestigahan ang pagbagsak ng eroplano nang mabigyan din ng paliwanag ang mga naulila, at mabigyan ng katahimikan ang mga pumanaw.

vuukle comment

PAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with