^

PSN Opinyon

Handog ng Komunistang China sa ika-100 taon ng paghahari

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa ika-100 taon ng Chinese Communist Party ngayong Hulyo 2021, sinisikil nila ang malaking kahihiyan. Hindi lang basta sa wild animal market sa Wuhan nagsimula ang pandemyang COVID-19; maaring nakawala ang virus sa Wuhan Virology Institute dahil sa kapabayaan.

Ibinintang ng CCP nang walang pruweba sa US Army ang sakit.

Ang malinaw ay sinuway ng CCP ang pakiusap ng mundo noon pang 2003, nang kumalat ang SARS, na isara ang mga palengke ng karne ng paniki, pangolin, oso, alamid, at sungay ng elepante at rhinoceros. Mas inuna ng CCP ang $79 bilyong taunang kalakal sa endangered species kaysa kalikasan at kalusugan. Marami tuloy kumakalat na virus na pumepeste sa tao at alagaing hayop.

Nang unang napansin ang SARS-CoV-2 sa Wuhan noong Nob. 2019, nag-news blackout ang CCP. Binawal ang pag-ulat ng salot.

Ipinakulong pa ang ophthalmologist sa Wuhan na unang nakapansin at nagbalita sa mga kapwa-doktor ng dumadaming naiimpekta. Nahawa at namatay din siya dahil sa kapabayaan ng CCP.

Imbis na mag-lockdown agad, pinabayaan ng CCP na lumisan ang limang milyong Wuhanese sa siyudad. Nagtago sila sa ibang probinsiya at bansa. Kumalat tuloy ang sakit sa China at sa mundo.

Nang hindi na maitago ang pandemya, sinakal ng CCP ang World Health Organization. Napansin ng mamamayang Chinese at ibang nasyonalidad na malamya ang mga unang pahayag ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus, na tinulungan ng CCP ipuwesto.

Nang ipanukala ng Australia na suriin ang pinagmulan ng COVID-19, binawal ng CCP ang mga produkto nito. Kinasangkapan ang ayudang PPEs para patahimikin ang maliliit na bansa. Tsinubibo ang WHO investigation team na pumunta sa Wuhan nitong Enero 2021.

Pinagtutubuan pa ng CCP nang daan-bilyong dolyar ang bakuna. Ang America mamimigay ng 500 milyon doses sa mahihirap na bansa. Dapat mas marami mula sa CCP na maysala sa sakit at kamatayan.

vuukle comment

CCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with