^

PSN Opinyon

Sara for President estratehiya lang?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Narinig ko na minsang sinabi ni President Duterte na ang gusto niyang susunod na Presidente ay isang “diktador.” Tahasan na rin niyang sinabi na ang taong angkop sa ganyang posisyon ay walang iba kundi si Ferdinand “Bongbong” Marcos na anak ng yumaong diktador na si Marcos Sr.

Noon pa mang nangangampanya si Duterte sa pangu­luhan, hantaran niyang sinabi na kanyang iniidolo ang yumaong Pangulo ng bansa. Kaya naman marami ang naghinala na si Duterte ay magiging diktador din gaya ng kanyang hinahangaang si Marcos.

Mariin na ring sinambit noon ng Pangulo na ayaw niya sa isang babae na mamuno sa Pilipinas dahil hindi raw ito ang trabaho ng mga kalahi ni Eva. Si Presidential daughter Sara na mismo ang sumegundo sa pahayag ng kanyang ama nang sabihin niya noon na ayaw ng kanyang ama na kumandidato siya sa pagka-Pangulo dahil isa siyang babae.

Bakit ngayon ay napakalakas ng ugong na si Sara ang isasabak ng administrasyon bilang Presidential bet? Napapaisip tuloy ako. Sa mga naunang pahayag ng Pangulo na kumakatig kay Bongbong hindi kaya isang estratehiya lamang ang pagpapalutang na si Sara ang pambatong Presidente ng administrasyon?

Masinsing ginagamit ang social media sa pagpapakalat ng balitang si Sara ang Presidential bet at iba-iba naman ang ipinapareha sa kanya bilang VP running mate. Pati ang Pangulong Duterte mismo ay sinasabing tatakbong bise ng kanyang anak.

Naku, baka nagulat na lang tayo na sa bandang huli, ang magiging tambalan ay Marcos for President at Sara for Vice President, esep-esep!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with