^

PSN Opinyon

Kahinaan at kapabayaan ng Zambo del Sur Medical Center!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Ara ito sa Zamboanga del Sur Medical Center at ganun­din kina Gov. Victor Yu, Rep. Divina Grace Yu, Dr. Anatalio Cagampang at Dr. Romalyn De Castro. Hinihimay na ng BITAG ang kasong oppression o pang-aapi, panlalait at pagpapabaya ng inyong ospital at ilang medical staff n’yo. Mababaon kayo sa documented actions and efforts made by BITAG Investigative Team. Mula sa pagkontak namin sa tanggapan ni Gov. Victor Yu, ang ospital at sa klinika ni Dr. Cagampang.

Noong nakaraang Huwebes, inumpisahan na namin sa Chief of Police Pagadian City Police Station na si Lt. Col. Parson­ Asadil. Wala itong kamuwang-muwang sa pambu­bugbog ng kanyang imbestigador na si Cpl. Welito Nuena kay Rommel Aguilar sa loob ng presinto. Nangako siya na ipasisilip sa amin ang CCTV at visitor’s log book ng presinto.

Nakipag-ugnayan na rin ang BITAG sa Philippine Army 1st Tabak Infantry Division kay MGen. Generoso Ponio sa kagandahang-loob na ginawa ng kanyang mga tauhan. Apat na sundalo ang nagsalba kay Rommel sa abusadong pulis na si Cpl. Nuena.

Kakaladkarin din ng BITAG ang tanggapan ni Rep. Divina Grace Yu na gumamit ng emisaryo para tawagan ang isa sa mga staff namin. Isang abogado mula sa tanggapan ng congresswoman ang nagbigay ng numero ng isa sa aming Vice President.

Saka tumawag disoras ng gabi ang chief doctor ng Zamboanga del Sur Medical Center na si Dr. Cagampang. Ayaw niyang magpa-interview at nakiusap na huwag daw ipaalam sa akin ang kanyang pagtawag. Ang kolokoy, kinaladkad sa presscon ang pangalan ng aking staff na “sinabihan daw niya ng lahat.” Wala kang ipinaliwanag Dr. Cagampang. Imposibleng hindi ito alam ni Gov. Yu. Ang Zamboanga del Sur Medical Center ay nasa ilalim ni Gov. Yu, asawa ni Rep. Divina Grace Yu.

Ipakikita ng BITAG ang kanilang tangkang pagtakpan ang kakulangan, kahinaan at kapabayaan sa sistema ng nasabing ospital. Sundan n’yo ang series of expose sa reklamong ito na aabot hanggang sa tanggapan ni bagong PNP chief Gen. Guillermo Eleazar. Abangan ang mga susunod na hakbang ng BITAG Investigative Team!

vuukle comment

DIVINA GRACE YU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with