^

PSN Opinyon

Mr. Rapper ng Bambang, 20

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BIRTHDAY ngayon ni Asiong “aksaya” este mali de Luna pala ng Bambang, Manila, kaya naman marami ang bumabati dito kabilang ang pamilya, kaibigan, kasangga, mga rapist este rapper’s pala, classmates, kapitbahay at kabarangay. Dahil kaarawan ngayon ni Mr. Asiong, aka The Rapper, hindi mapalagay si Atty. Jude Alagde, kung anong ireregalo sa kanyang mahal na pamangkin porke ECQ sa Metro Manila. Rolex ba o kotse? Esep-esep!

Hindi pa naman puwedeng magtipun-tipon at magdikitan ang mga dabarkads ni Mr. Asiong na dapat sa isang five star hotel gagawin dahil pinakansela ni Atty. Jude ang booking. Bakit? Bawal dahil ECQ. Baka imbes na mag-happy-happy sa tomaan ang grupo sa kalaboso sila pulutin.

Anyway, Mr. Asiong de Luna, happy birthday to you!

* * *

Lockdown ang solusyon 

Ikinuwento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang taon na ang nagdaan mula nang isinailalim tayo sa militaristikong lockdown, pero ngayon araw muli na namang gagawin ng gobyerno ang lockdown para raw kontrolin ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gigil na gigil na ang madlang Pinoy sa lockdown at curfew na istilo ng gob­yerno ha­bang walang pag-unlad tayo. Lalo lamang nagmamahal ang pangunahing bilihin at pina­ba­­bayaan ito ng pamahalaan. Ano ang ginagawa ng gobyerno? Nakatanghod! 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Isang taon nilang kinalampag at pinapanawagan ang aksyong medikal at kompren­sibo, siyentipiko at makataong plano laban sa pan­demya pero panay curfew at lockdown ang tugon ng gobyerno. Wala pa ring mass testing, sistematikong contact tracing, dagdag isolation facilities at treatment, at tulong sa mga ospital at health­workers. Bukod sa donasyon pa lang ang bakunang dumarating, napakabagal din ng rollout nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayong araw ay lockdown na sa Metro Manila at iba pang kalapit probinsiya at wala siguradong ayuda mula sa pamahalaan. Ika nga, gutom na naman ang aabutin ng madlang Pinoy. Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagbalik sa ECQ ang katunayan ng kapalpakan ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya. Ano ang masasabi ninyo? Abangan.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with