^

PSN Opinyon

Mabagal, pero umaandar

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Dalawang desisyon ang ibinaba ng Sandiganbayan noong isang araw na sigurado akong ikinatuwa ng mga galit sa korapsiyon sa gobyerno. Una ang paghatol ng guilty kay walang iba kundi si Janet Lim-Napoles, ang utak sa likod ng P10 bilyong pork barrel scam. Hinatulan din ng guilty si dating Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula at iba pang mga empleyado ng gobyerno na sangkot din sa nasabing korapsyon.

Unang hinatulan si Napoles noong 2018 para sa panda­rambong kung saan 40 taong kulong ang kanyang sentensya na mukhang madaragdagan pa nitong bagong paghahatol sa kanya kung hindi ako nagkakamali.

Kasabay ni Napoles kinasuhan sina Sen. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ng NBI noong 2013, pero si Enrile at Estrada ay pinayagang magpiyansa kahit hindi dapat batay sa batas at inabsuwelto naman si Revilla noong 2018. Marami pang mga dati at kasalukuyang mam­babatas ang kinasuhan pero wala pang desisyon.

Nagbaba rin ng desisyon ang Sandiganbayan laban kay dating AFP comptroller retired Lt. Gen. Jacinto Ligot. Inutusan siyang pakawalan ang ilang pag-aari at pera sa halagang higit P100 milyon dahil hindi mapaliwanag kung paano niya nakuha batay sa kanyang kinikita. Sumailalim­ sa matinding lifestyle check si Ligot at ang kanyang asawa kung saan naungkat ang lahat ng pag-aari.

Mabuti naman at may nangyaring mabuti hinggil sa ka­sumpa-sumpang mga kasong ito. Natatandaan ko ang ma­tinding galit ng tao nang masiwalat ang pinaggagawa ni Napoles. Kung hindi pa naligtas si Benhur Luy at nagsalita na sa pakana ni Napoles ay hindi pa ito madidiskubre dahil na rin sa kasabwatan ng ilang mambabatas. Hinihintay ng mamamayan ang magiging desisyon kina Enrile at Estrada pero kung pinayagang magpiyansa ay baka tapos na ang boksing, ika nga.

Ang kaso naman ni Ligot ay kabilang sa AFP Corruption Scandal noong 2011 o ang “pabaon” sa mga magreretirong AFP Chief of Staff at heneral. Si dating budget officer George Rabusa ang nagsilbing whistleblower sa nasabing korapsyon. Dito na rin lumabas ag mga kaso laban kina AFP comptroller Gen. Carlos Garcia at Ligot na sangkot sa nasabing korapsyon.

Si Garcia ay nakalusot dahil nakipag-areglo sa gobyerno at mahina raw ang kaso. Si Ligot ang hindi nakawala. Matatandaan na nagpakamatay si dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes bago matawag sa Senado para ipaliwanag ang alegasyon sa kanya.

Mabagal nga pero mabuti rin at umaandar ang mga gulong ng hustisya. Sa kinatapusan ay binayaran nina Napoles, Ligot at iba pa ang kanilang kasakiman. Ang masama ay pera ng mamamayan ang ibinulsa. Masasarap mga buhay noong hindi pa nahuhuli. Ano na ang kanilang buhay ngayon? Marami pang kaso ng korapsyon at pandarambong ang nakabinbin pa sa mga korte. Sana umiral din ang hustisya sa mga may sala.

vuukle comment

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with