^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bala sa ulo nina,Suzette at Nicole

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bala sa ulo nina,Suzette at Nicole

Maraming nag-trigger happy habang isiniselebra ang pagsapit ng Bagong Taon at ang naging biktima na naman ay kawawang bata. Sa kabila ng babala ng mga awtoridad na huwag magpapaputok ng baril, marami pa ring may “utak tingga’’ ang sumuway. Kinalabit ang gatilyo at ang bala ay tumama sa ulo ng walang muwang na bata sa Lanao del Norte. Isa na namang buhay ang nasayang. Maging hamon sana sa Philippine National Police (PNP) ang nangyari para madakip ang nagpaputok ng baril at nang maparusahan. Alamin kung pulis o sundalo ang nagpaputok ng baril na ikinamatay ng bata. Parusahan ito nang mabigat para hindi pamarisan.

Nasa harap ng kanilang bahay ang 12-anyos na si Suzette Manamparan ng Sapad, Lanao del Norte at naglalaro kasama ang iba pang bata habang nagseselebra ng Bagong Taon. Maya-maya, biglang bumagsak ang bata. Akala ng kanyang mga kalaro, nadulas lamang si Suzette pero nang tingnan, may umaagos na dugo sa ulo nito. Dinala ang bata sa ospital subalit dineklara ng mga doktor na patay na. Sa x-ray, nakita ang slug sa ulo ng bata. Hindi pa malaman ang calibre ng baril. Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis para mahuli ang suspect.

Hindi lamang si Suzette ang nabiktima ng ligaw na bala habang nagdiriwang ng Bagong Taon. Tinamaan din ng bala at nasugatan ang 39-anyos na lalaki sa Dagupan City, Pangasinan at isang 6-anyos na batang lalaki sa Sta Catalina Negros Oriental.

Naulit ang nangyari noong Enero 1, 2013 nang tamaan ng bala sa ulo ang pitong taong gulang na si Stephanie Nicole Ella ng Caloocan City. Nanonood ng fireworks display si Nicole kasama ang kanyang mga pinsan nang bigla itong bumagsak. Nang tingnan, dumurugo ang ulo. Isinugod sa ospital si Nicole at nakita ang bala sa kanyang ulo. Makalipas ang dalawang araw, namatay si Nicole. Ayon sa doktor, matinding pinsala sa utak dahil sa balang tumama sa ulo ang dahilan ng kamatayan ni Nicole. Hanggang ngayon, hindi pa nahuhuli ang pumatay kay Nicole.

Ngayon, mayroon na namang pinatay ang ‘‘trigger happy’’. Malaking hamon sa PNP ang nangya-ring ito. Kumilos sana sila ngayon. Huwag hayaang matulad si Suzette kay Nicole.

vuukle comment

BATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with