^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Binalewala ang babala

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Binalewala ang babala

Tulad nang nangyaring pagbaha sa Marikina, Pasig, at mga bayan ng Rodriguez at Taytay sa Rizal noong Huwebes ng gabi na ikinabigla ng mga residente, ganyan din ang naranasan ng mga taga-Cagayan noong Biyernes ng umaga. Kung gaano kabilis ang pagtaas ng tubig sa Marikina, doble naman umano ang naranasan ng mga taga-Cagayan at sa isang iglap, mga bubong na lamang ng bahay doon ang nakita.

Kung maraming residente sa Marikina ang nag-akyatan sa bubong, mas marami sa Cagayan sapagkat rumaragasa ang tubig na ayon sa mga tao ay noon lamang nila naranasan makalipas ang 40 taon. Sabi ng iba, hindi raw nila akalain na sa bubong ng kanilang bahay sila magpapalipas nang maraming oras para bumaba ang tubig. Hanggang kahapon, mataas pa rin umano ang tubig at mayroon pang nire-rescue. Halos lahat nang bayan sa Cagayan ay lumubog sa baha.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, ang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam ang naging dahilan ng pagbaha. Pinakawalan ang tubig habang nananalasa ang Bagyong Ulysses. Ayon kay Mamba, hindi kinaya ng waterways ang malaking volume ng tubig mula sa dam kaya umapaw at nagdulot nang grabeng pagbaha. Ito umano ang pinakagrabeng pagbaha na naranasan ng Cagayan. Siyam ang namatay dahil sa baha karamihan ay nalunod. Ilan sa namatay ay mga bata.

Sinisisi ng local government units (LGU) ang agarang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam at ayon sa report, maaari raw sampahan ng kaso ang pamunuan. Kaya lang, naabisuhan na pala ang local government units (LGUs) na magpapaka­wala ng tubig ang Magat Dam dahil sa inaasahang paghagupit ng Bagyong Ulysses. Ayon sa report, pinaghahanda ang mga residente para lumikas. Ang nakapagtataka ay kung bakit marami pa rin ang na-trap ng baha. Marami ang hindi nakalikas at inabutan ng ragasa ng baha sa kabila na binigyan na sila ng babala, isang araw bago ang pagpapa-kawala ng tubig sa dam. Binalewala ba ang babala?

Nabanggit naman ng Cagayan governor na may problema sa waterways kaya lumubha ang baha. Ito marahil ang isa sa dapat solusyunan. Maaari ring silipin ang sinasabing illegal logging activities na dahilan nang pagbaha sa lalawigan.

vuukle comment

CAGAYAN

DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with