^

PSN Opinyon

2021 budget ok na, Cayetano, pumuntos

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Upang pabulaanan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang alegasyon ni Rep. Lord Allan Velasco na iniipit niya o “hino-hostage” ang approval ng pambansang budget para sa 2021, mabilis na ipinasa ito sa second reading kamakalawa. Maagang nagbakasyon ang House of Representatives at muling bubuksan ang session sa November 16, 2020. Sa term sharing agreement ng dalawang Solons, Oktubre 14 ang sinasabing araw ng pag-upo ni Velasco bilang bagong Speaker, pero ang tanong ng kampo niya, papaano pa magaganap ito kung walang session?

Sa mainit na tunggalian ng Speaker at ni Velasco, kung anu-anong isyu ang nagsusulputan. Pero nanatiling angat si Cayetano sa latest survey ng Pulse Asia: 70% ng mga Pilipino o 7 sa 10 na mga Pinoy ay nasisiyahan kay Caye­­tano. Sa liderato niya, pati mga miyembro ng civil society­ at academe ay puwedeng lumahok sa talakayan ng Pam­bansang budget.

Walang ibang speaker ang nakapagtala ng ganyang rating­ sa panahon ni Duterte na natamo dahil sa rami ng mga batas na napagtibay sa kanyang pamumuno. Noong Hulyo 2020, labingwalong panukala na ang naging batas. Nalagpasan na nito ng higit 200% ang dalawang nakalipas ng Kongreso base sa rami ng mga bill na naging batas sa loob ng unang Regular Session. Patuloy pa itong nadag­dagan ng 24 national bills at 89 local bills nitong ilang buwan ng pangalawang Regular Session.

Kahit panahon ng pandemya ay naging produktibo pa rin ang Kamara. Bumuo ito ng Defeat Covid-19 Committee na nakapagpasa ng anim ng bills para palakasin ang pagtugon sa COVID-19 at pagtulong sa mga apek­tado ng lockdown. Nangyari ito sa loob lang ng isang buwan.

Anang ilang mambabatas, hindi dapat magpalit ng Speaker sa gitna ng pagtalakay sa Pam­bansang Budget lalo pa’t may kasalukuyang pan­demya. Kaya naman kahit nag-alok ng pagbibitiw si Cayetano kamakailan, upang bigyang pagkakataon ang grupo ni Congressman Velasco na ipagpatuloy ang proseso ng budget ito ay tinanggihan ng 184 na mga mambabatas ang kanyang pagbibitiw.

Ayon nga kay Rep. Mike Defensor, hindi dapat palitan ang kapitan ng barko sa gitna ng unos. Pero ngayon inaprobahan na ang budget, ano ang susunod na mangyayari? Abangan na lang ang susunod na kabanata!

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

LORD ALLAN VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with