^

PSN Opinyon

Ang ‘Battle for Manila Bay’

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang matagumpay na rehabilitasyon at paglilinis­ sa  nangungunang resort ng Pilipinas, ang Boracay, isinunod namang linisin ng Department of Environment ang Natural Resources ang Manila Bay sa isang massive cleanup and rehabilitation na binansagang “Battle for Manila Bay.”

Tone-toneladang non-biodegradable na basura ang na­­hakot sa isinagawang dredging ng ating nasalahulang kara­gatan na noong araw ay naging bantog sa buong daigdig dahil sa napakagandang sunset nito. Naging mata­­gumpay ang DENR sa pangunguna ni Secretary Roy Cimatu­ na buong giting na tumalima sa atas ng Pangulo.

Upang mapanatiling malinis ang karagatan, nagtalaga ng mga estero rangers sa mga barangay na nagtatanod sa mga daluyan ng tubig na umuugnay sa Manila Bay at tiyaking hindi matatapunan ng mga basura ang mga ito at ‘di na marurumihan ang karagatan. Ang programang ito ay naaayon sa batas at may pondong aprobado ng Kongreso alinsunod sa kabuuang masterplan na hindi lamang paglilinis kundi may kasamang component sa pagpapaganda.

Bago simulan ang programa, naikuwento na sa akin ni DENR Sec. Benny Antiporda ang component ng prog­rama na paglalatag ng puting buhangin sa dalampasigan ng Manila Bay na sa tingin ko ay magandang konsepto para maging tourist attraction ang lugar. Ngayon, may mga bumabatikos sa proyekto. Bakit daw gagawa ng ganitong maluhong proyekto gayung may crisis sa COVID-19? Palagay ko, hindi wasto ang obserbasyong ito.

Kailanman ay hindi pagwawaldas ng pera ang pagpa­paganda ng lugar. Kasama ito sa holistic approach ng pag­lilinis at rehabilitasyon na matagumpay na nagampanan ng DENR sa tulong ng pribagong sektor. Ang pondo ay nakalaan na noon pa man sa bisa ng batas kaya mas ilegal marahil kung gagamitin ito sa ibang layunin. Mismong si Manila Mayor Isko Moreno ay humanga sa proyekto ng DENR na malaking tulong sa pagpapaganda ng lunsod.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with