^

PSN Opinyon

STL, di pa magbubukas! — Garma

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa magbubukas ang gaming product ng Philippine Charity Sweepstakes Office  na Small Town Lottery (STL) bukas. Ito ang paglilinaw ni PCSO General Manager Royina Garma dahil sa kumakalat na balita na magtutuloy na ang STL sa Setyembre 7 para bigyan ng trabaho ang mahigit 200,000 workers na na-displace ng COVID-19. Matatandaan na ang STL at iba pang gaming products ng PCSO ay ipinasara noong Marso para mapigil ng gobyerno ni President Digong ang kumakalat na virus.

Nitong nagdaang mga araw, binuksan na ng PCSO ang ibang palaro tulad ng Keno, 2 digit, 3 digit, at lotto subalit hindi pa pinayagan ang STL. Ayon kay Garma, hinihintay pa ng PCSO ang approval ng Palasyo sa re-commendation nila na babaan ang Guarranted Monthly Retail Receipt (GMRR) alinsunod sa kahilingan ng authorized agent corporation (AAC). Dipugaaaa!

Ipinaliwanag ni Garma na temporary lang ang pagbaba ng GMRR hanggang Disyembre dahil may COVID at habang hindi pa maibalik sa normal ang operation ng STL. Umaasa si Garma na maibababa ng Palasyo ang desisyon nila sa lalong madaling panahon para mabuksan na ang STL nitong buwan.

Kung sabagay, ‘yung mga STL operators lang na walang utang sa PCSO ang papayagang magbukas samantalang ang may milyones namang utang ay hindi papayagan. Sa pagbukas ng STL, ang mga tiwaling ope­rators ay tiyak sasabay din subalit ang operation nila ay numbers game na jueteng na at ang winning combination nila ay hango din sa labas ng STL. Ilegal ang jueteng kaya dapat habulin ni PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan. Dipugaaaa!

Hiningi ni Merpo prexy Rainier Allan Ronda kay GM Garma ang listahan ng STL operators na good standing, kasama na ang delinquent AACs subalit wala pang kasagutan ang PCSO dito.

Sa ngayon, nag-aabang ang gambling lords sa policy ni Cascolan sa illegal gambling kung susundan ba niya o hindi ang “no take policy” ni retired Gen. Archie Gamboa. Anong sey mo kosang Jun Laurel Sir? Dipugaaaa! Abangan!

vuukle comment

STL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with