^

PSN Opinyon

Pulis na patong sa droga, nasukol ng IMEG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Sa limang SONA niya at sa iba pang speeches, nagmumura talaga si President Digong laban sa droga at nagbabanta pa na pupuksain ito. Kadalasan ding sinasabi niya na papatayin ang lahat ng nasa likod ng pagpapalaganap ng droga sa bansa. Subalit mukhang hindi naririnig o di natakot si CMSgt. David Gatchalian, ang imbestigador ng Bocaue police sa Bulacan sa pagbabanta ni Digong. Imbes kasi na puksain ang droga sa Bocaue, aba ang ginawa ni Gatchalian ay humihingi ng protection money sa mga adik para wala nang abala sa bisyo nila. Kaya hayun, nakarating kay Brig. Gen. Ronald Lee, ang hepe ng Integrity Monitoring and Enforcement Group ng PNP, ang masamang gawain ni Gatchalian, kaya nasampolan siya. Dipugaaaa!

Maaring kumita man ng kaunting halaga si Gatchalian sa modus operandi niya subalit sa pagkahuli sa kanya ng mga tauhan ni General Lee ay milyones ang nawala sa kanya sa pamamagitan ng nadobleng suweldo at retirement benefits niya. Get’s n’yo mga kosa? Isinugal niya ang kinabukasan ng kanyang pamilya sa kaunting salapi at habang buhay niyang pagsisihan ang kabuktutan niya. Kahit paano ay pakonti nang pakonti na ang mga scalawag sa PNP dahil sa kasipagan ni General Lee at mga tauhan niya na kahit sa kasagsagan ng COVID ay tuloy lang ang trabaho nila. Kaya kayong may mga problema sa mga tiwaling pulis d’yan, magreport lang kayo kay General Lee at action agad ito. Dipugaaa!

Sinabi ni General Lee na open-secret na sa Bocaue ang raket ni Gatchalian at maging ang mga kabaro niya ay naiinis na sa kanya. Kaya nang mag-coordinate sa kanya si Col. Laurence Cajipe, ang provincial director ng Bulacan, kaagad tinrabaho ng IMEG si Gatchalian na nasukol matapos tanggapin ang P10,000 sa complainant na si Adrin Joson, 30, sa Mendoza St., Bgy. Lolomboy. Nakumpiska rin kay Gatchalian ang kulay asul na Samsung Duos celfone kung saan makikita ang mga transaction niya, ani General Lee. Dipugaaaa!

Di ba buhay pa naman itong si Gatchalian? Abangan!

vuukle comment

DROGA

PULIS

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with