^

PSN Opinyon

Tayo na ang magkusa

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Balik-MECQ ang Metro Manila at karatig pook. Kung isa ka sa nagtatanong kung matagumpay ang ating kam­panya laban sa COVID-19, ito na ang paglilinaw na hinihintay. Sa ngayon ay hindi tayo nagtatagumpay.

Wala pa ring humpay ang pagtaas ng impeksyon. Ito ang bangungot na kinatatakutan natin mula pa Pebrero – ang hindi maagapan ang pag-spike ng curve. Ano pa ang pakinabang natin sa usaping flatten the curve gayong iba na ang anyo nito? Pataas na lang nang pataas at hindi na bumababa. Walang nang kurba!

Flatten the curve, nang hindi umapaw ang ating mga ospital o malunod sa agos ang ating mga health care workers. Limitado ang kapasidad ng medical centers at kulang ang bilang ng doktor at nars. Ito ang pinakaka­ingatan dati pa.

Subalit narito na nga tayo sa worst case scenario. At mismong ang mga health worker ang nagsusumamo. Dati ay tahimik nilang ginagampanan ang deadly nilang tungkulin. Nang pinasok nila ang propesyon bilang mangga­gamot, hindi kasama sa usapan ang pagbuwis ng buhay. Maging sa batas o mga patakaran ng health profession, hindi obligado ang health worker na tumulong kung malalagay sa alanganin ang sariling kaligtasan o kalusugan.

Sa kabila nito ay patuloy na tumulak ang ating magi­giting na frontliner. Pero hirap na talaga sila. Ngayon ay nagsalita na ang mga pobre. Kaunting pause lang sana, kung maaari lamang.

Tayong mga wala sa health profession ay kulang sa pag-unawa sa mga paghihirap nilang dinaranas. Si­yem­pre, ang atensyon nati’y nakatuon sa pagbangon ng eko­nomiya nang mabalik sa normalidad sa lalong mada­ling panahon. Kung kaya ang mga economista at mga lider ng ating negosyo ang pinakikinggan.

Pero hindi natin ito maaabot kapag hindi muna asikasuhin ang kaligtasan ng lahat. At ang ating mga health worker ang pinakakritikal ang papel upang tayo’y makaahon. Ang kalusugan at kaunlaran ay magkasabay, hindi magkahiwalay. Kung pause lang sandali ang kailangan, ibigay agad. Tayo na ang magkusa na umobserba sa sariling ECQ o MECQ. Sa ganitong paraan lang tayo makakaambag sa kanilang kabayanihan.

vuukle comment

COVID-19

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with