^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Papasada na ang mga dyipni

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Papasada na ang mga dyipni

Papasada na ngayon ang 1,943 na jeepneys sa 17 bagong ruta sa Metro Manila ayon sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Sa kabuuan, aabot na sa 7,945 jeepneys ang papasada. Ayon sa LTFRB, may 55,000 rehistradong jeepneys sa National Capital Region. Ang 17 bagong ruta na papasadahan ng mga jeepneys ay sa Quezon City, Caloocan, Manila, Makati, Pasay, Navotas, Taguig at San Juan. Lahat nang papasada ay may Quick Response (QR) code o special barcodes na nasa short bond paper at naka-display sa salamin ng mga jeepneys. Kapag walang QR code ang jeepney, ibig sabihin hindi ito awtorisadong bumiyahe at huhulihin.

Una nang inihayag ng LTFRB na Hulyo 3 bibiyahe ang mga jeepney subalit marami ang hindi nakakuha ng QR code dahil na rin sa computer glitches na nakaapekto sa website ng ahensiya. Ang pangyayari ang naging dahilan para magkaroon ng kalituhan. Maraming jeepney driver ang nagsagawa ng protesta sapagkat inihanda na umano nila ang kanilang mga jeepney – nilagyan ng mga plastic na harang bilang pagsunod sa health protocol.

Ayon sa mga jeepney drivers, gumastos na sila sa pagbili ng plastic at dinis-infect na ang kani­lang mga sasakyan para makabiyahe pero hindi nangyari dahil hindi sila makakuha ng QR code. Ma­ra­ming nagsabi na hindi na raw talaga sila papa­­­yagang makabiyahe at tuluyan nang ipi-phaseout ang mga jeepney.

Marami sa mga driver ang napilitan nang mama­limos sa kalsada dahil sa kawalan ng kita. Mula Marso­ ay hindi na pinayagang makabiyahe ang lahat ng public utility vehicles dahil sa lockdown na dulot ng pandemia. Maraming nagutom dahil sa hindi pag­pasada.

Ngayo’y papasada na ang jeepneys at sana ma­ipatupad nang maayos ang physical distancing, pagsusuot ng face mask at pag-sanitize sa mga pasa­hero para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Hindi sana labagin ang mga iniuutos para naman wala nang madagdag pa sa mga tinamaan ng virus. Sundin ang lahat nang ipag-uutos at huwag ding maniningil nang sobra sa mga pasahero.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with