^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basurang plastic sa estero, umaapaw

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Basurang plastic sa estero, umaapaw

NAMUMULAKLAK na naman ang mga plastic na basura sa estero. Maaaring ang mga basurang ito ay naipon habang naka-lockdown ang Metro at ang mga tao ay walang ginawa kundi magluto. Dahil palaging nagluluto, marami rin ang basura at pawang plastic. Ang masakit, karamihan sa kanila ay walang disiplina sa pagtatapon ng kanilang basura. Tapon dito, tapon doon ang kanilang ginagawa. Wala nang pakialam. Halimbawa ay ang informal settlers o mga iskuwater, deretso sa tubig ang kanilang basura --- supot na plastic, grocery bags, sache ng 3-in-1 coffee, catsup, shampoo, toothpaste, at iba pang plastic  na basura.

Lahat nang itinapon sa kanal, estero o sapa, aanurin patungong Manila Bay. Kawawang Manila Bay na inumpisahan nang linisin noong nakaraang taon pero hindi matapus-tapos at eto na naman ang panibagong basura ng mga plastic. Mas marami pa kaysa rati ang basura at ito ay sa kabila na marami ang umaaray dahil wala na raw makain dahil sa pandemia.

Noong nakaraang taon (Pebrero 2019) nagbabala si Environment Secretary Roy Cimatu sa mga walang disiplinang nagtatapon ng basura. Nang magsalita siya sa isang forum, sinabi niyang tapos na ang araw ng mga gumagawa ng krimen laban sa Inang Kalikasan. Ang pag-abuso sa kalikasan ay tutuldukan na sapagkat mahigpit niyang ipatutupad ang environmental laws at mga ordinansa.

Pero makalipas ang kanyang pagbabanta, wala pa ring nakitang pagbabago at lalo pang dumami ang mga nagsasalaula sa kapaligiran. Nakakatuwa na sana dahil masidhi ang hangarin ni Cimatu na puksain ang mga sumisira sa kalikasan. Sana ang kasunod ng kanyang pagbabanta ay pagpapakita na ng kamay na bakal laban sa mga iresponsableng mamamayan na walang pakundangan kung magtapon ng plastic sa mga kanal, estero at sapa.

Kailangang maipamulat sa mga iresponsable na ang mga basurang plastic na kanilang itinapon ay humahantong sa Manila Bay at hindi lamang tao ang napipinsala kundi pati mga lamandagat gaya ng balyena na namamatay dahil sa kinaing plastic. Mawawalan ng silbi ang kampanya sa paglilinis sa Manila Bay kung hahayaan ang mga iresponsable sa kanilang tapon dito, tapon doon. Bigyan sila ng leksiyon. Harapin ang mga ito ng DENR.

vuukle comment

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with