^

PSN Opinyon

Huwag tayong kampante

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Kung mapapansin, may mga taong hindi na nagsusuot ng face mask, o kaya, naka-face mask pero nakalabas naman ang ilong. Walang silbi kung magkagayon ang pagsusuot ng face mask upang ang tao ay hindi makasagap ng mikrobyo.

Marahil, inaakala nila na papawala na o humihina na ang pandemya ng COVID-19 porke unti-unti nang ibina­balik ng pamahalaan ang normal na takbo ng transportas­yon at negosyo.

Nasasaksihan natin na komo marami na ang nakala­labas ng tahanan para magtrabaho, hindi na rin inoobser­bahan ang mga itinakdang health protocols tulad ng phy­sical distancing at pagsusuot ng face masks. Dahil diyan ay inireport ng Inter-agency Task Force on Emerging Infec­tious Disease ang bahagyang pagtaas na naman ng kaso ng dinarapuan ng COVID-19.

Kaya naman ipinasya ni President Duterte na panatilihin muna sa umiiral na General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwang ito, sa halip na luwagan na. Sa Cebu City na nagtala ng mataas na bilang ng mga positibo sa COVID-19, ipinailalim naman ng Pangulo ang lungsod sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Samantala, ang iba pang bahagi ng bansa ay mananatili sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) hanggang Hunyo 30 ng taong ito. Sabi ng mga eksperto, hanggang wala pang bakunang natutuklasan, mananatili sa piling natin ang COVID-19.

Alam na natin na ang unang layunin ng pamahalaan ay ibaba ang antas o bilang ng mga dinarapuan ng COVID-19 hanggang tuluyang mawala ang sakit. Ngunit Iyan ay hindi matatamo kung walang 100 porsyentong kooperasyon ng taumbayan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with