^

PSN Opinyon

Inilibing nang buhay (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG mga krimen sa kasong ito ay nangyari noong umiiral pa ang death penalty. Ang kahayupan ng krimen ay ipinakita ng mga sirkumstansiya kung paano ito ginawa. Kaya kahit nagmakaawa pa ang akusado at ginamit na dahilan ang kanyang diperensiya sa utak ay hinatulan pa rin siya ng kamatayan. Ipinaliliwanag sa kaso kung paano nakabigat sa krimen ang paghahanda at pagpaplano. Paano nga kaya napatunayan ng walang pag-aalinlangan na pinagplanuhan ang krimen?

Ang kasong ito ay nangyari sa isang malayong baryo sa isang isla sa probinsiya. Ang lalaking sangkot ay si Gani at ang biktima ay ang 14-anyos niyang anak na dalagita na si Layla. Hatinggabi ng Disyembre 1974, walang awang pinagsamantalahan ni Gani ang anak. Paulit-ulit niya itong ginahasa. Dalawang taon ang lumipas, nabuntis ito hanggang magsilang ng sanggol noong Marso 1976. Naipa­nganak ni Layla ang isang sanggol na babae sa tulong ni Gani at binigyan niya ng pangalan na Regine. Isang oras matapos maipanganak ang bata ay inilabas ni Gani ang sanggol at ibinaon nang buhay. Para pagtakpan ang krimen ay nagsiga si Gani kung saan niya ibinaon ang anak.

Sumunod na araw, bandang alas-siyete ng umaga, nagsadya ang tiyuhin ni Layla sa himpilan ng pulis at kina­usap si Commander Santos. Isinumbong niya na nakatanggap siya ng impormasyon na nanganak ang kanyang pamangking babae pero hindi na matagpuan ang sanggol. Nagsadya si Santos at iba pang mga pulis sa barrio kung saan kinumpirma ng isang kapitbahay ni Gani, si Darwin, na noong nagdaang gabi ay ipinanganak nga si Regine. Sinabi pa ng lalaki kay Santos na narinig nito ang palahaw ng bata pero pagkatapos ay huminto rin sa pag-iyak.

Sumunod na umaga, inimbita ni Santos si Gani sa himpilan ng pulisya at sumama naman ang lalaki. Bumalik si Santos sa lugar na pinangyarihan ng krimen at masusing nag-imbestiga. Natagpuan niya ang sanggol na nakabaon sa lupa sa lalim na 1 pulgada at 15 metro ang layo mula sa bahay ni Gani. (Itutuloy)

vuukle comment

DEATH PENALTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with