^

PSN Opinyon

Beijing inabuso ang karagatan habang abala lahat kontra-virus

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Kinakaibigan ng Pilipinas ang mga Komunistang naghahari sa Beijing kahit puro panloloko ang ginagawa nila. Muling niyurakan ng Beijing ang soberenya ng Pilipinas habang abala tayong lumalaban sa COVID-19. Nagmalaki sila sa pagbigay ng 100,000 test kits -- salamat. Kasabay nu’n ginalugad nila ang dalawa sa pitong bahura ng Pilipinas na ilegal nilang inookupa mula 2013. Nagtatag ang Chinese state Academy of Science ng dalawang research stations sa Subi at Fiery Cross Reef para sa hakbanging “ecological, geologic, at environmental,” inulat ng opisyal na Xinhua News Agency.

Ibig sabihin nu’n aalamin kung ano ang yamang dagat. Ang Subi at Fiery Cross ay 20 at 55 milya mula sa Pagasa island municipality ng Palawan. Namumutiktik sa isda ang pook at sinasabing meron ding langis, gas, at iba pang minerals. Nasa loob ‘yun ng 200-milyang exclusive economic zone at dagdag na 150-milyang extended continental shelf ng Pilipinas.

Ang research stations ay pagpapakita ng Beijing sa mundo na kanila ang Subi at Fiery Cross miski walang legal na batayan. Bukod sa taktikang militar, gumagamit ang Beijing ng mga ahensiyang sibilyan sa pag-agaw ng karagatan. Nu’ng dekada 2000, ginamit ng Beijing na taga-sulong ang science academy ng pag-angkin nito ng buong South China Sea. Nu’ng 2013, kinongkreto nila ang anim na bahura bilang island fortresses. Nauna du’n, 1995, inagaw na ang Mischief Reef, 130 milya mula Palawan, para kunwar’y silungan ng mga mangingisda. Pero ginawang naval at military helicopter base.

Nu’ng 2016, ipinasya ng UN arbitral court na nilabag ng China ang karapatan ng Pilipinas sa pag-agaw ng mga bahura. Binalewala ng Beijing ang pasya. Pinag-ibayo ang kilos militar at sibilyan. Mula sa Subi dinadagsa ng China Coast Guard at fisheries militia ang paligid ng Pagasa, at ginugulo ang Philippine Navy at mangingisda. Ang dalawang bagong stations ay nasa ilalim ng Mischief Reef, anang Xjnhua.

vuukle comment

BEIJING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with