^

PSN Opinyon

Si Pernia at ang National ID system

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Malaking tulong sana kung naipatupad na ang Phi-lippine Identification System Act o National ID system para sa ating lahat lalo ngayong nananalasa sa bansa ang COVID-19 health crisis.

Kaya nahihirapan tayo ngayon sa pamimigay  ng Social  Amelioration  Fund at ng iba pang ayuda ng pamahalaan dahil nga sa kawalan natin ng National ID system.

Hayan, nagkukumahog tayo ngayon sa pag-identify kung sino ang dapat na makakatanggap ng ayuda gaya ng SAP sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

At bakit nga ba wala pa tayong National ID system gayung naisabatas na ang Philippine Identification System Act noon pang 2018.

Lampas nang isang taon at walong buwan itong naisabatas.

Ayon sa sources ko sa Cabinet – ito ay dahil nga kay dating Economic and Development Authority chief Ernesto Pernia na kabibitiw lang noong isang araw sa kanyang posisyon.

Naging mabagal daw si Pernia at siya ang naging dahilan sa delay sa pagpapatupad ng National ID system sa bansa.

Heto tayo ngayon nganga!

vuukle comment

COVID-19

NATIONAL ID SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with