^

PSN Opinyon

Taga-Taguig, hayahay ang buhay kay Cayetano!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAGING ang 25,000 scholars na apektado ng COVID-19 outbreak ay inambunan ng grasya ni Taguig City Mayor Lino Cayetano. Simula sa Lunes, ang mga scholars ng siyudad ay tatanggap ng ayuda na P5,000 sa ilalim ng programa ni Ca-ye­tano na Special Emergency Assistance to Scholars (SEAS). Siyempre, hindi lang ang mga scholars ang makikinabang sa ayuda ni Cayetano kundi maging ang pamilya nila. Kaya kung sa estimate na lima ang miyembro ng pamilya ng kada scholars, aba aabot sa 125,000 katao ang mabibiyayaan ng SEAS program ni Cayetano, ‘di ba mga kosa?

Ang relief fund sa scholars ay bukod pa sa ibang relief programs ng Taguig tulad ng P4,000 cash assistance para sa mga drivers, food at non-food packs, anti-COVID kits at iba pang ayuda. Ayon kay Cayetano, ang Taguig ay kilala sa pagtulong sa mga mag-aaral na makamit ang kanilang mga pangarap. Hayahay ang buhay ng taga-Taguig sa liderato ni Cayetano.

Ang scholarship program ng Taguig ay nagsimula noong 2011 sa pamamagitan ng pagpunyagi ni House Speaker Alan Peter Cayetano at asawang Rep. Lani Cayetano. Napailalim ito sa City Scholarship Programs katulad ng Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program, Taguig City University (TCU) Educational Assistance Allowance, at  ang Taguig Learners Certificate (TLC) Scholarship Program. Ang programa ay napakinabangan na ng halos 55,000 scholars sa mahigit 200 kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Nararapat lang na suportahan ni Cayetano ang mga scholars ng siyudad para gumanda ang kinabukasan nila at kanilang pamilya, ‘di ba mga kosa? Ipinaliwanag ni Cayetano na ang disenyo ng support program sa mga scholars ay para pagtibayin ang pangako n’ya sa kabataan na alagaan ang kanilang kapakanan, lalo na sa panahon ng krisis. Mukhang hindi na natutulog si Cayetano sa pag-iisip kung paano iaangat ang pamumuhay ng taga-Taguig sa panahon ng COVID. Abangan!

vuukle comment

LINO CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with