^

PSN Opinyon

Harry Roque balik-spokesman

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Mismong si Salvador Panelo na hinirang ni President Duterte na maging Presidential Spokesman ang nagkum­pirma sa pagbabalik ni Atty. Harry Roque sa dating po­sisyon bilang tagapagsalita ng Pangulo. Magugunita na sa nakaraang eleksyon, kumandidato si Roque sa pagka-se­nador kaya siya umalis sa pagka-spokesman. Ito ay sa kabila ng payo sa kanya ng Pangulo na huwag tumakbo dahil wala siyang pag-asang manalo.

Pero pinili ni Roque na kumandidato, pero sa dakong huli ay umatras din sa senatorial race. Kaso, hindi na muna siya nakabalik sa puwesto dahil itinalaga na ng Pangulo si Panelo na dating Presidential Legal Counsel. Pero marami ang nabigla nang matapos ang mahaba-habang panahon ay ibinalik ng Pangulo sa posisyon si Roque. Ano kaya ang dahilan? Palpak ba si Panelo sa kanyang pagtupad sa tungkuling magsalita para sa Pangulo?

Samantala, si Panelo na isang abogado ay balik sa pu­westong Presidential Legal Counsel. Ngunit kung iisipin­ natin, ang mga negatibong kritisismo kay Panelo ay siya ring mga puna kay Roque nang ang huli ay nanunungkulan pa bilang Tagapagsalita ng Pangulo. Kesyo masyadong “sepsep”, nagbibitiw ng mga pahayag na wala sa hulog at maaaring makapag-pahamak sa Pangulo.

Natural, kung Tagapagsalita ka ng Presidente ay puro linya niya ang sasabihin mo at hindi ka kokontra sa kanyang mga patakaran. Tuloy, tinatawag kang sipsip. Pero kung min­san­ talaga, may mga kontrobersyal na isyu sa Pangulo na mahirap sagutin ng spokesman kaya ito’y dinaraan sa pali­guy-ligoy na statement kaya natatawag ding bobo. Mahirap maging spokesman dahil shock absorber ka ng mga pagka­kamali ng Pangulo.

Sa oras na tanggapin mo ang puwestong ito, hindi ka na puwedeng magpahayag ng sarili mong opinyon lalo pa’t salungat sa policy ng administrasyon. Malaking sakripisyo ang itago mo muna sa aparador ang iyong sariling pagkatao at magsilbing parang tape-recorder na kung ano ang sinabi ng amo mo ay siya mo lamang dapat sabihin.

Okay sana kung sa lahat ng isyu ay nagkakaisa kayo ng Pangulong pinaglilingkuran mo, ngunit kung hindi, huwag mo na lang tanggapin ang posisyon.

vuukle comment

ATTY. HARRY ROQUE

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with