^

PSN Opinyon

Kalaboso ang manyak na titser (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG anumang uri ng kahalayan ay pinarurusahan sa ilalim ng batas (Art 336 Revised Penal Code) lalo kung may puwersa o pananakot na ginamit para gawin ang pang-aabuso sa isang biktima kahit ano pa ang kanyang kasarian.

Sa kabilang banda, ang anumang kahalayan na gagawin sa isang bata ay pinarurusahan din sa ilalim ng Sec. 5 (b)RA 7610.

Ang pinakamahalagang elemento sa magkaparehong krimen ay ang pagpigil sa kalayaan ng biktima na kumilos tulad nga ng puwersa o pananakot.

Paano ba patutunayan na may pamumuwersa o pananakot? Kailangan ba ang aktuwal na paggamit nito sa biktima? Ano ang pinagkaiba ng kahalayan na pinarurusahan sa Art. 336 - Revised Penal Code at RA 7610?

Ito ang mga tanong na sasagutin sa kaso ni Ronald na isang titser at commandant ng Citizen Army Training (CAT) sa high school ng munisipyo.  

Isa sa mga estudyanteng nakapukaw ng atensyon ni Ronald ay si Wendy na 14-anyos lang ayon sa nakasaad sa kanyang birth certificate.

Isang umaga, habang nasa bayan ang mga CAT trainee at nagsasagawa ng clean-up drive, tinawag ni Ronald si Wendy at dalawang ulit na tinanong kung gusto nitong maging opisyal ng CAT.

Pinaringgan ni Ronald ang dalagita na kaya niyang gawing officer ang dalagita basta pumayag sa gusto niya na halikan at sipsipin ang dibdib.

Nang pumayag si Wendy ay agad siyang pinapunta ni Ronald sa bahay nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

TEACHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with