^

PSN Opinyon

Panic-buying na? (Last part)

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ang tanong: Kailangan bang mag-hoard ng gamit at pagkain sa bahay o hindi? Hindi naman ito madidikta. De­pende sa pakiwari ng maybahay. Walang masama na maging handa. Pero sa panahon ngayon na nagkaka­agawan na ng alcohol, face mask, wipes at ibang gamit panlinis ng bahay at katawan, baka dapat patawan ng regulas­yon­­ ng mga supermarket o botika ang mga mamimili at rasyunin ang mga basikong pangangailangan na ito sa gitna ng kinakatakutan na impeksiyon. May mga naga­galit na maynibang bumibili na pinapakyaw lahat sa eskaparate. Paano nga naman ang ibang pamilya? Sa nga­­yon ay malayo sa normal ang sitwasyon sa bansa hinggil sa pagkalat ng COVID-19. Sa bawat araw na dumadaan ay tila tumataas lang ang bilang ng mga nahawaan. Magiging kampante lang ang tao kapag tumigil na ang dami ng mga may impeksyon. Sa Wuhan, China, nagsara na ang huli sa 15 itinayong pansamantalang ospital­ para lang sa mga positibo para sa COVID-19. Wala na silang pasyente dahil gumaling na umano. Higit 12,000 pasyente ang tumanggap ng ayuda sa mga nasabing ospital. Mabuting balita ito. Maaaring senyales na buma­bagal na ang pagkalat ng virus sa Wuhan kung saan nag­simula ang lahat, ground zero kumbaga. Ang pagbaba rin ng bilang ng mga positibo para sa COVID-19 ang hinihintay rin natin dito.  

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang nalikha ng mga dalubhasa sa University of the Philip­pines na pang-testing ng COVID-19. Maganda ring balita ito dahil kulang ang bilang ng mga test kits ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Magagamit ang mga test kits para sa tila dumadaming may sintomas ng COVID-19. Kailangan ding linawin ng gobyerno kung sila ang mananagot sa gastusin sa mga positibo na para sa COVID-19. Kung dumarami ang mga kaso, saan sila magpapagamot, at sagot ba ng gobyerno? Mahirap yatang tanungin ang pangulo ngayon. Lalong ‘di nakampante yata ang tao dahil minumura na ang sariling bansa sa naka­raan niyang pagharap sa media.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with