^

PSN Opinyon

I-lock-down ang mga casino

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa panahon ngayon na hindi bumubuti kundi sumasahol ang bagong sakit na COVID-19, lagi natin naririnig ang katagang lock-down. Ang mga mall o pamilihan ay nila-lock-down, mga paaralan at iba pang establisimentong dinaragsa ng maraming tao para mapigilan ang patuloy na pagkalat ng kinatatakutang virus.

Pati ang ideyang i-lock-down ang mga siyudad at bayan ay kinukonsidera na habang wala tayong nakikitang pala­tandaang bumubuti ng situwasyon. Ngunit hindi ko nari­rinig ang suhestyon na i-lock-down ang mga malala­king casino na palaging dinaragsa ng mga dayuhang manu­nugal.

Hindi lang mga sugarol ang dumarayo sa mga casino kundi pati yung mga negosyanteng may mga transak­syong pang-negosyo. May mga lounge kasi sa mga casino na puwedeng maupo ang kahit sino ng walang bayad at doon mag-usap. Hindi na nga naman gagastos ng ma­laki sa magagarbong restaurant.

Ngunit kung tutukoy tayo ng isang lugar na potensyal na breeding ground ng coronavirus, palagay ko, nangu­nguna na riyan ang mga casino dahil karamihan sa mga dumaragsa diyan ay mga dayuhang Chinese, Japanese Koreans at mga balikbayang Pilipino na galing sa ibang bansa. 

Hindi mo kakilala ang kasugal mo o katabi sa upuan at nagpapalitan kayo ng mga chips at baraha. Ang slot machine na lalaruin mo ay nilaro na rin ng iba na maa­aring may dalang coronavirus.

Sabihin mang nagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang ang management ng mga casino, hindi ito garantiya na walang virus na makalulusot upang manghawa ng iba. Kaya naniniwala ako na dapat munang isara, kahit pansamantala ang mga Casino habang nananalasa sa ating bansa ang misteryosong karamdamang ito.

Malaki raw ang ipinapasok na income ng mga Casino sa kabang-bayan ng bansa. Pero kung ikukonsidera natin ang mapaminsalang epekto ng COVID-19 sa taumbayan, walang halaga kahit pa trilyones ang ipinapasok na salapi ng mga pasugalan. Mas importante ang buhay kaysa salapi.

Nasa State of Public Health Emergency na ang bansa dahil nagsisimula nang umarangkada ang pagtaas sa bilang ng mga Pilipinong nagkakaroon ng local transmission. At mahirap talagang iwasan ang local transmission kapag ang isang taong nagkasakit sa ibayong dagat ay nagsimula nang manghawa ng ibang Pilipino.

Totoong mapalad tayo dahil tayo pa rin ang kabilang sa mga bansang may maliit na bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19 pero sa nakikita natin ngayon, tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nagkakasakit kaya dapat paigtingin ang mga karampatang hakbang upang mapabagal man lang ang pagkalat ng karamdamang ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with