^

PSN Opinyon

COVID-19 bagong tawag sa nCoV

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

May bagong opisyal na pangalan ang dating tinatawag nating novel coronavirus na ibinigay ng World Health Organization. Ito ay ang COVID-19. Kasabay nito, sinabi rin ng WHO na may nakikita nang bahagyang paghupa sa mga naitatalang kaso ng sakit magmula nang ito’y luma­ganap sa iba’t ibang dako ng daigdig. Ipinaliwanag ng WHO chief na ang “CO” ay para sa corona, ang “VI” para sa virus at ang “D” ay para sa disease, kung kaya tina­wag na COVID. 

Isa pang magandang balita ay tiniyak ng WHO na ma­aaring maipamahagi na ang karampatang bakuna laban sa COVID-19 o nCoV matapos ang isang taon. Mukhang medyo matagal pa ngunit ang mahalaga, mayroon nang movement forward sa pagtuklas ng lunas sa sakit.

Magbago man ng pangalan, parehong virus pa rin iyan. Ang pinakamahalaga ay ang magkaroon nawa ng indi­kas­­yong talagang humuhupa na ang paglaganap ng karam­daman. Matatamo lamang iyan sa pamamagitan­ ng mga mitigating measures na ipatutupad ng mga pama­­halaan sa daigdig upang mapigil ang paglaganap ng virus tulad ng travel ban at ang pansarili nating pagmamantini sa ating kalusugan at kalinisan.

Malaking hassle ang travel ban sa ekonomiya ng daigdig at pati na sa mga taong kailangang maglakbay. Pero kina­kailangan itong ipatupad. Maraming pasahero ang stran­ded sa mga paliparan sa biglaang pagpapatupad ng travel ban kaya ang mga tao ay umiinit ang ulo at tumataas ang presyon ng dugo.

Bagaman at matatagalan pa para ma-develop ang ba­kuna laban sa sakit na ito, hindi naman tayo dapat mabahala dahil hindi naman talaga incurable ang sakit bagama’t posibleng makamatay kung ito’y mapababayaan. Basta’t sumunod lang tayo sa mga health security protocol at mananatili tayong nasa safe side.

Officially, COVID-19 na ang itatawag sa nCoV, ayon sa WHO. Ang pahayag ay ginawa ng WHO matapos umabot sa mahigit isanlibo katao ang namamatay sa China dahil sa naturang karamdaman. Ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, hepe ng pandaigdig na samahang pangkalusugan, bagamat isang malaking bantang pangkalusugan ang sakit, mayroong makatotohanang tsansa na ito ay mapigil.

Ayon pa kay Tedros, ang virus ay higit pang mapaminsala sa banta ng terorismo dahil  lumilikha ng pagkaligalig at kaguluhang pampulitika na nauuwi sa problemang pang-ekonomiya.

Umapela ang WHO chief sa mga bansa ng daigdig na magtulungan sa pananaliksik upang mapanagumpayan ang pakikibaka laban sa mga virus na nagdudulot ng mapanganib na karamdaman. Nakikita nga naman natin mismo sa ating bansa ang batikusan at sisihan ng mga politiko sa harap ng mga ganitong krisis na hindi dapat mangyari. Bagkus, talagang ang kailangan ay ang pagtutulungan, ano man ang political affiliation dahil kapakanan naman nating lahat ang makikinabang sa ganyang pagkakaisa.

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with