^

PSN Opinyon

Sundin ang payo ng DOH sa nCoV

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAKAPAGTALA ng kauna-unahang namatay sa coronavirus o nCoV sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Ang namatay ay kasama ng babaing Chinese na kasalukuyang nagpapagaling sa San Lazaro Hospital. Nag­positibo na tayo sa nCoV at may namatay pa. Hindi naman nagpapabaya ang ating mga dalubhasang doctor upang mapigilan ang virus na kumakalat hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Nararapat ang pag-iingat at kalinisan sa panahong ito. Kailangan lamang na magsuot tayo ng face mask habang nasa mata­taong lugar. Ka­ilangan ding maglinis tayo ng katawan pagda­ting natin sa mga tahanan. Gumamit ng alcohol o disinfectant refillants sa ating mga kamay bago tayo huma­wak sa ating mga kapamilya. Iyan ang payo ng DOH at ng World Health Organization. Sa kasalukuyan, umaabot na sa 14,000 ang nadapuan ng nCov sa Wuhan, China at nasa 304 na ang namamatay.

Subalit sa kabila nang nakakagimbal na virus ng nCoV marami pa rin sa ating mga kababayan ang nagsa­saman­tala ng kanilang mga paninda gaya ng face mask. Nagkaka­ubusan na kasi sa mga botika at department store ang mga face mask dahil nag-panic ang lahat sa pagbili nito. Sinamantala naman ng mga tusong online business ang pagkakaubusan ng mask kung kaya marami ang nadenggoy. Dapat na maging matalino tayo sa pagbibili sa mga online dahil sa ngayon na sobrang demand ng mask, tiyak na pagkakapistahan nila ito sa tusong pamamaraan.

At upang makatulong tayo sa ating mga kababayan na para huwag nang lumaganap ang virus, ang payo ko mga suki ay iwasan muna nating magtungo sa mga mata­taong lugar kung hindi naman gaanong importante ang inyong transaksyon o liwaliw. Mas madaling masugpo ang virus kung lahat tayo ay makikipagtulungan sa ating pamahalaan lalung-lalo na kung susundin ang mga payo ng DOH.

Samantala, ipagpapatuloy ko ang istorya ng Magsasakang Reporter na si Mer Layson. Si Mer ay reporter din ng Pilipino Star NGAYON at PM Pang-Masa. Si Mer ay naging working student bago naging reporter­. Nakilala ko noong early 90s si Mer na nagko-correspondent sa mga pahayagan. Naging radio reporter din siya. Pero alam n’yo na si Mer ay may piggery, manukan, palayan at maisan sa Pampanga?

Naging matagumpay ang kanyang pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop at sakahan kaya kinilala siya ng Department of Agriculture at Japanese Agri Business. Sangkaterbang award ang hinakot niya matapos ma-certified na Soya Bean grower and manufacturer dahil sa kanyang KKK Soya products. Si Mer din ang nakapagbigay ng mga bagong technique sa urban gardening. Tinuturuan niya nang libre ang mga nagnanais magtanim sa loob ng bahay o bakuran.

Samantala, kamakailan ay nahalal siyang pangulo ng ADU-PTA BED. Kasama niyang nahalal sina: Vice President Lheslie Edeleon, Sec. Sheila Joy Kua, Treasurer Ella David, Auditor Robert Fajutnao, Directors at iba pang opisyal na sina Jesusa Fernandez, Gina Eclevia,  Jaime Ann Eugenio,  Jhoanne Queri, Joy Paglinawan Nour,  Lerma Lunar, Lorrie Liberato, Majo Alaurin Dioneda, Mateo Miranda, Thet de Juan, Violeta Dulatre, Cristina Babiano. Congratulation sa iyo Mer at mga officers.

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with