^

PSN Opinyon

nCoV perhuwisyo sa turismo

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Alam ba ninyo na sa nakalipas na taong 2019, tinataya sa P245-bilyon ang kinitang revenue ng pamahalaan mula sa turismo, ayon sa Department of Tourism? Napaka­laking halaga iyan na mawawalang parang bula dahil sa pagkalat ng novel coronavirus (nCoV)sa daigdig.

May mga rekomendasyon ngayon na magpatupad ng tem­porary travel ban sa lahat ng bansang apektado ng nCoV. Nauna nang ipinatupad ang pagbabawal sa pag­pasok sa Pilipinas ng mga Tsino mula sa Wuhan City na siyang pinagmulan ng karamdamang nabanggit pero may mga humihirit na ang pagbabawal ay ipatupad rin sa lahat ng mamamayan ng China at kung maaari, sa lahat ng bansang apektado ng epidemya.

Kung tutuusin, kawing-kawing na komplikasyon ang ma­­aaring idulot ng ganitong travel ban ngunit kung siyang kina­kailangang gawin para matuldukan ang epidemya, nararapat lang itong ipatupad.

Hindi lang turismo ang apektado kundi maging ang paki­kipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa. Ayon sa Department of Trade and Industry, pati mga food products  na mula sa mga bansang apektado ng nCoV ay malamang mino-monitor dahil baka maging dahilan din ng pagkalat ng karamdaman.

Kung totoo ang mga nagsusulputang balita, seryoso ang nCov kung ang pagbabatayan ay ang bilang ng mga namatay sa karamdaman sa bansang pinagmulan nito. Tina­­taya na ma­higit na sa dalawandaang katao ang namatay sa sakit na ito sa China.

Natural lamang na ang lahat ng bansa sa buong mundo ay mangilag sa sakit at magpatupad ng mga hakbang para hindi makapasok ang kinatatakutang virus sa kanila. Ngunit talagang hindi magagarantiyahan na walang dayuhang may ganitong sakit ang hindi makakapasok sa isang bansa dahil tayo ay nasa panahon na ang mga tao sa iba’t ibang bansa ay nagbibiyahe sa buong daigdig.

Ang tanging solusyong naiisip ko ay agad makatuklas ng bakunang panlaban sa karamdamang ito nang sa gayon ay hindi na maapektuhan ang pandaigdig na pagkakalakalan at turismo.

vuukle comment

DOT

NCOV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with