^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kumakalat ang sakit dahil kung saan-saan dumudumi

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kumakalat ang sakit dahil kung saan-saan dumudumi

Isa sa mga dahilan kaya kumakalat ang sakit ay dahil sa kung saan-saang lugar dumudumi ang mga tao. Walang sariling kubeta kaya may dumudumi sa likod ng puno, damuhan, estero at sa maniwala o hindi mayroong dumudumi sa parke o pasyalang lugar.

Halimbawa ay ang lalaking nakuhanan ng picture habang “nagbabawas” sa isang malaking paso ng halaman sa Baluarte de Dilao noong nakaraang linggo. Nag-viral sa social media ang “pagbabawas” ng lalaki.

Dahil sa nangyari, nagalit si Manila Mayor Isko Moreno sa ginawa ng lalaki at pinag-utos sa Manila Police Distric Special Mayor’s Reaction Team na hanapin ito. Ayon sa Manila City Public Information Office (PIO) ang lugar kung saan dumumi ang lalaki ay isa sa mga historical landmark na ginawa ng mga Kastila noong 1592. Ayon pa sa PIO ng Maynila, napakalinis ng Baluarte de Dilao kaya nakapagtataka kung bakit doon dumumi ang lalaki.

Nararapat lamang na mahuli at makilala ang lalaking dumumi para mabigyan ng karapatang parusa sa ginawa. Kung hindi mapaparusahan, maaa-ring ulitin ito ng iba. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdumi sa mga pampublikong lugar gaya ng Baluarte de Dilao na isa sa mga dinarayo ng mga turista sa Intramuros.

Ilang buwan na ang nakararaan, nagalit din si Isko sapagkat ginawa ring kubeta ang monumento ni Andres Bonifacio sa may Manila City Hall. Muntik pang matapakan ni Isko ang dumi. Sa galit niya, ipinag-utos ang paghuli sa mga nakatira o natutulog sa bantayog ng mga bayani sapagkat ang mga ito ang dumudumi roon. Tumulong pa si Isko sa pagbomba ng tubig para maalis ang mga dumi. Ngayon ay malinis na ang lugar.

Isa rin sa mga dapat pagtuunan ng pansin ni Isko   ay ang pagpapagawa ng mga comfort room sa mga lugar na dinarayo ng mga turista partikular sa Intramuros. Baka inabutan ng tawag ng kalikasan ang lalaki at wala nang nagawa kaya roon na lang “nagbawas”.

Maiiwasan ang pagkalat ng sakit kung may mga sariling comfort room. Ngayong mabilis ang pagkalat ng sakit gaya ng novel coronavirus (nCoV), nararapat na panatilihin ng lahat ang kalinisan. Magkaroon ng disiplina at huwag dumumi kung saan-saan para hindi kumalat ang sakit.

vuukle comment

ISKO MORENO

PIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with