^

PSN Opinyon

Huwag magpanic sa coronavirus

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ISANG babaing Chinese ang nagpositibo sa novel coronavirus (nCoV) sa ating bansa subalit payo ni Department of Health (DOH) secretary Francisco Duque III na “Don’t panic”. May kakayahan umano ang San Lazaro Hospital laban sa sakit. Ito ang kauna-unahang nagka­sakit ng nCoV kaya hindi maiwasang mag-panic ang sam­bayanan. Ayon kay Duque ang Chinese ay galing Wuhan, China na dumating sa Cebu noong Enero 21 at nagli­waliw pa sa Dumaguete bago nagtungo sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan, maganda ang kalagayan ng Chinese sa San Lazaro Hospital. Patuloy na minomonitor ang kala­gayan ng Chinese upang hindi na kumalat ang virus. Ma­agap naman si Senator Bong Go sa pag-aksyon at agad nitong kinausap si President Rodrigo Duterte na pansamantalang ipagbawal muna ang pagpapasok ng mga turis­tang galing Wuhan at iba pang mga probinsiya ng China. Sinang-ayunan agad ito ni Duterte kaya sorry na lang sa mga turistang nagnanais magkakalat ng virus este mamamasyal sa napakaganda nating tourist destination.

Paano hindi maaalarma sa coronavirus gayong uma­abot na sa 8,000 ang biktima nito. Maging ang World Health Organization (WHO) ay nagdeklara na ng World Health Emergency. Sa kasalukuyan umaabot na sa 170 ang nama­matay sa China at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natutuklasan ang gamot ukol sa sakit.

Kaya mga suki, ugaliin nating magsuot ng face mask at ugaliing maghugas ng kamay at maging malinis sa kata­wan para sa ating pang-araw-araw na kaligtasan. Ang problema lang malaki ang kakulangan natin sa tubig. Kaya calling-calling Maynilad at Manila Water paki-aksiyunan naman ang kakulangan ng tubig. Sa panahon ngayon, nag­sisimula na ang tag-araw tiyak na mas kailangan ng sambayanan ang tubig.

Kaugnay nito nanawagan ang mga taga-Gatchalian Subdivision at Green Valley Subd. na nasa Manuyo Dos, Las Piñas City na bigyan naman sila ng tamang serbisyo sa tubig. Halos araw-araw wala silang tubig. Kaya nang magkasunog sa kanilang lugar sa kanal na lamang sila kumuha ng tubig upang maapula ang sunog. Ipinaaabot din nila sa Maynilad ang mga nabubulok na mga tubo na nakalatag sa kanal dahil malamang na sumabog ito oras na di-makumpuni.

Samantala, panibagong responsibilidad na naman ang kahaharapin ng Pilipino Star NGAYON at PM Pang-Masa reporter na si Mer Layson dahil sa pagkakahalal na presidente ng Parents-Teacher Association (PTA) sa Adamson University (ADU) kamakailan. Kilala ko si Layson dahil siya ang humalili sa akin bilang Presidente ng Manila Police District Press Corps (MPDPC). Siya ang nagtuloy ng mga sinimulan ko sa MPDPC. Hindi naman ako nagkamali sa pagpili sa kanya dahil sa kanyang kasipagan. Naging maganda ang MPDPC office na sinaluduhan ng ibang press corps sa buong bansa. Pinatunayan ‘yan ni Lt Col. Erwin Margarejo noong siya pa ang spokesperson ng MPD. Kaya malaki ang tiwala ko na may kakayahan si Layson na pamunuan ang PTA sa loob ng dalawang taon. Pormal ng isinalin ni outgoing PTA Pres. Atty. Lynn Danao-Moreno ang responsibilidad kay Layson.

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with