^

PSN Opinyon

Mabuhay si Domagoso!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Sinibak ni Manila Mayor Francisco Domagoso si Richie­ Laurel, ang hepe ng Department of Public Safety (DPS) District lV ng City Hall dahil sa isyu ng corruption.

Muk­hang totoo ang ipinagyayabang ni Domagoso sa social media na ayaw niya ng corruption. Sa paglisan ni Laurel sa puwesto niya, lumabas ang iba’t ibang reklamo kasama na ang paghingi niya ng tig-P2,000 sa mga barangay chairman para sa X-mas party ng opisina niya noong Dis­yembre.

Ang ipina-raffle ni Laurel ay ang mga maliliit na electric fan samantalang ang malalaki at magaganda ay itinali niya sa kanyang motor at inuwi sa bahay niya sa Plaza Noli sa Sampaloc, ayon sa mga kosa ko.

Naging­ paksa ko si Laurel sa nakaraan dahil sa pagkaltas niya ng P2,500 sa mga Job Order (JO) para pambili ng aircon­. Mautak din si Laurel dahil may mga JO na pinapirma niya na bukal sa loob ang pagbigay nila ng P2,500 subalit may hindi pumirma at handa silang lumutang at tumestigo kapag nag-utos si Domagoso ng imbestigasyon. Imbes na sa tiyan ng pamilya ng mga JO mapupunta ang malaking parte ng suweldo nila ay sa bulsa ni Laurel ito nagarahe. Kaya lang si Laurel ay inilipat lang ni Domagoso sa District 5 at walang kasiguruhan na hindi na niya gagawin ang pagpapahirap sa mga JO na nakasanayan na niya. Dapat kasi kasuhan ni Domagoso si Laurel para hindi na pamarisan pa.

Kinakalat naman ni alyas Paolo na hindi totoo ang bintang laban sa kanila ni Angie at iginigiit na fake news ito. Itong si Paolo ang itinuturo ng mga JO na humingi sa kanila ng P2,500 at taga-desisyon kung tuloy ang trabaho mo o hindi. Si Paolo ay “malapit kay Ibay” at napipinto na ang promotion nito. Sino kayang Ibay ito? Si Maj. Rosalino Ibay Jr., ba ng SMART ng City Hall o si ex-bgy. chairman Darwin Ibay ng District 2, 3 at 4 na nasa likod ng malakihang pitsaan sa MTPB? Abangan!

vuukle comment

RICHIE­ LAUREL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with