Archie
Isang malaking hamon kay Gen. Archie Gamboa nga-yong itinalaga na siyang lubusan ni President Duterte na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Si Gamboa ay isa sa mga miyembro ng Philippine Military Academy Sinagtala Class 1986, kung saan ang kanilang mga kasamahan ay naging PNP chief na rin at maging Armed Forces Chief of Staff.
Natagalan si President Duterte na italaga si Archie na PNP chief pagkatapos na gawing officer-in-charge (OIC) noong nakaraang Oktubre 2019.
Ngayon ay hindi na mag-aalanganin si Archie sa kanyang mga galaw bilang PNP chief dahil nga on an official capacity na siya sa kanyang puwesto.
Kinausap ni Duterte si Archie noong isang gabi sa Nonki Japanese Restaurant dito sa Davao City pagkatapos nitong inanunsyo na siya na nga ang PNP chief.
Sabi nga ng Presidente mahaba-habang usapan pa ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Archie at kasama na roon si Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
Andun pa rin ang hamon sa pagsugpo sa problema sa drug abuse, criminality at maging terorismo na hinaharap ng bansa at kailangang harapin ni Archie bilang PNP chief.
- Latest