^

PSN Opinyon

Mga ganid na negosyante bantayan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

LIKAS talaga sa ilan nating kababayan ang magsamantala­ tuwing may kalamidad. Mantakin n’yo, ang dating P25 na face mask ay umaabot na ngayon sa P200. Malinaw na gustong yumaman agad ang mga tusong negosyante sa madaling paraan. Nag-aagawan ang mga bumibili ng face sa ngayon matapos na sumabog ang Bulkang Taal noong Linggo. Ito ang sinamantala ng ilang tusong negosyante dahil kahit na mahal ang kanilang paninda tiyak na dudumugin ito ng mga tao para makaiwas makalanghap ng abo na binuga ng Taal. Ngunit pasasaan ba sila sa kanilang katusuhan, malamang sa mga susunod na mga araw ay babawian na sila ng kanilang konsensiya o kaya’y maipasara ng Department of Trade ang Industry (DTI) ang kanilang mga tindahan dahil sa over pricing, hehehe!

Hindi kasi papayag si Pres. Rodrigo Duterte na sina­samantala ang pagkakataon para maitaas ang presyo ng mga bilihin lalo na pag may kalamidad. Maging ang Department of Health sa pangunguna ni Sec. Francisco Duque ay gumagawa na ngayon ng hakbang para ka­lusin ang mga tusong negosyante. Hindi naman malinlang nitong mga tusong negosyante si Duterte dahil personal nitong minonitor ang aktibidades ng Bulkang Taal habang nakasakay ito ng eroplano mula sa Davao. Maging siya ay naantala at napilitang maglakad sa runway ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa kapal ng abo at buhangin nang lumapag ang kanyang sinakyang eroplano.

Mahigpit ang tagubilin ni Duterte sa National Disaster Risk Reduction Monitoring Council na siguraduhing ligtas ang mga residente ng Balete, Laurel, San Nicolas, Talisay at Agoncillo ng Batangas. Ang mga naturang mga bayan ay malapit sa Bulkang Taal kaya inulan ito ng abo, bato at buhangin. Inatasan na rin ni Duterte ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na umasiste sa paglikas ng mga residenteng apektado ng ash fall. Sa ngayon mistulang no man land na ang bayan ng Agoncillo at Balete dahil sa kapal ng abong tumakip sa mga kabahayan at mga pananim. Mga truck na ng Philippine Army ang pumasok sa naturang mga bayan upang isakay ang mga residente at madala sa mga evacuation area.

Subali’t may ilan pa rin sa mga kababayan natin na nagmamatigas at ayaw umalis sa kanilang mga tahanan dahil sa takot na nakawan ang kanilang bahay. Kahapon nagpadala na rin ng mga tauhan si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Gen. Danny Lim para tumulong sa paglilikas at paglilinis ng mga kalsada na natabunan ng abo. Hindi naman pahuhuli riyan ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at mga fire volunteers upang makatulong sa pagligtas sa mga napinsalang mamamayan doon. Ang Philippine National red Cross ang unang umasiste sa mga sinalanta. May dala silang mga pagkain, kumot, gamot, tubig at ilang mahahalagang kagamitan upang masigurong ligtas ang mga apektado.

Samantala ang Phivolcs naman ay patuloy ang pagmonitor sa aktibidades ng Bulkang Taal. Sa totoo lang nakakabigla ang pagsabog ng Bulkang Taal mga suki. Ayon kasi sa history ng Bulkang Taal sumabog ito noong 1911at 1997, matapos nito ay nanahimik na ito at nito ngang taon ay muli itong nagparamdam sa pamamagitan ng pagbubuga ng mahinang usok mula sa bunganga nito.

At noong Linggo, dakong ala-una ng hapon bigla na lamang itong nagbuga ng makapal na usok. Tuluy-tuloy na ang pagbubuga ng makakapal na usok na umabot sa 15, 000 feet kaya umulan ng ashfall sa buong paligid ng Batangas at Cavite, partikular sa Tagaytay, Amadeo, Alfonso at Mendez. Magng sa Laguna, Metro Manila at Central Luzon ay nagkaroon din ng ashfall. Kaya malaking bagay sana ang face mask sa mamamayan upang makaiwas na maka langhap ng usok ngunit sinasamtala naman ito ng mga tusong ngosyante. Pasasaan ba at  mapaparusahann din ang mga ganid at gahaman. Abangan!

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with